Amo, kulong ng 3 buwan dahil sa panghihipo di umano sa isang Pinay OFW

Amo, kulong ng 3 buwan dahil sa panghihipo di umano sa isang Pinay OFW

- Makukulong ng tatlong buwan ang Egyptian na employer ng isang OFW sa UAE dahil sa panghihipo daw nito

- Agad na rumesponde ang pulisya sa reklamo ng OFW

- Itinatanggi ng amo ang pangyayari ngunit mas pinanigan ng pulis ang pahayag ng Pinay

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Tatlong buwang pagkakakulong ang kinahinatnan ng isang Egyptian national na naninirahan sa UAE nang hipuan di umano nito ang isang Pinay na cleaning contractor niya.

Base sa ulat ng Gulf news, Naunang dumating ang Pinay sa lugar ng amo ng pinaglilinisang bahay. Nagsimula na itong gawin ang kanyang mga gawain nang biglang dumating ang amo.

Tinawag ng amo ang Pinay at pinalinis ang kwarto nito. Agad namang sumunod ang Pinay at nagpunta agad sa silid.

Laking gulat na lamang ng OFW nang biglang maramdaman na mula sa kanyang likuran na hinipuan na pala siya ng amo.

Itinanggi ito ng amo at sinabing di naman ito sinasadya. Sa takot, kinuha na lamang ng Pinay ang bayad sa kanyang paglilinis at saka ito umalis.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ang nakakapagtaka, sinabihan ng amo na bibigyan na lamang niya pera ang OFW, huwag lamang itong magsusumbong sa pulis.

Ngunit, pagkababa pa lamang ng flat ay agad nang nagsumbong ang noo'y umiiyak nang Pinay at nagreklamo na agad sa kinauukulan.

May posibilidad pang ma-deport ang Egyptian na amo ng Pinay matapos ang tatlong buwan na pagkakakulong.

Kpop in public: Today we will try to repeat the dance moves of MOMOLAND girls from their famous music video "BAAM". But, of course, we will do it in very unusual places like a subway, a market, and right on the streets of the Philippines.

Momoland - BAAM: Hilarious Kpop in Public Parody | HumanMeter on KAMI Youtube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Netizens react to Bright Akhuetie as UAAP's new MVP

Netizens react to Bright Akhuetie as UAAP's new MVP

Netizens react to Bright Akhuetie as UAAP's new MVP
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel