Beautiful PBB Ladies! 11 Sikat Pinay stars na unang nakilala sa bahay ni Kuya

Beautiful PBB Ladies! 11 Sikat Pinay stars na unang nakilala sa bahay ni Kuya

Dahil ready na ready na si Ultimate Multimedia Superstar at Host of all Hosts na si Toni Gonzaga para ihost ang new edition ng Pinoy Big Brother (PBB) kasama ang kanyang sissum na si Alex Gonzaga, sisilipin natin ang 11 sikat na mga Pinay stars ng Kapamilya network na talaga namang nangunguna ngayon sa kasikatan.

Spotted ng KAMI ang kani-kanilang mga bagong larawan sa kani-kanilang Instagram pages na may daang daang libo o mahigit isang milyon na mga followers na.

Una naming naispatan ang listahang ito sa Showbiz Read.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

1. Kim Chiu

Unang nakilala ang Chinita Princess na si Kim Chiu sa Pinoy Big Brother: Teen Edition.

Pumasok umano siya sa PBB house noong April 23, 2006, kasama ang iba pang mga housemates sa edition na iyon.

At pagkatapos ng 42 days, itinanghal siya bilang ang Teen Big Winner.

Mula na naging parte ng Star Magic, umusbong sa kasikatan ang Best Actress awardee at isa sa pinakapaboritong leading ladies sa mga most viewed TV series ng ABS-CBN.

Ngayon, lalong dumadami na ang kanyang mga followers lalo na sa IG niya, na mayroon ng 5.1 million followers.

2. Loisa Andalio

Sumunod sa most followed sa IG ay ang Pinoy Big Brother: All In housemate noong 2014, na si Loisa Andalio.

Siya umano ang last evictee bago itinanghal ang Big 4.

Ngayon, bless na bless rin ang dalaga dahil kasali siya sa inaabangang teleserye ng Kapamilya ang The General's Daughter, na pinagbibidahan ni Angel Locsin.

May dalawang pelikula siya sa taong ito.

Ang isa ay ang Hospicio at may MMFF movie rin siya kasama si It's Showtime host Unkabogable Vice Ganda.

3. Maris Racal

Ang "Singing Sunshine ng Davao" na si Maris Racal ay ang 2nd Big Placer ng Pinoy Big Brother (PBB) All In, noong 2014, sa edad umano na 16 years old.

Hanggang Saan, ang huling teleserye na ginawa niya at nakikita siya bilang guests sa mga TV shows ng ABS-CBN ngayon.

At naging ASAP mainstay simula 2016.

4. Barbie Imperial

Unang TV appearance ng Precious Hearts Romances Presents: Araw Gabi lead actress Barbie Imperial ay sa Pinoy Big Brother: 737, noong 2015, at kinilala bilang ang "The Doll along the Riles of Albay" dahil na rin umano sa kanyang dollface.

5. Maymay Entrata

Ang kauna-unahang housemate na naninirahan umano sa bahay ni Kuya ng siyam(9) months ay isa sa pinag-uusapang Kapamilya star ngayon na si Maymay Entrata.

Siya rin ang first Big Winner ng pinaghalong edisyon ng celebrity, adult, at teens, Pinoy Big Brother:Lucky 7.

Makikita ngayon si Maymay sa ASAP at naging guests rin siya ng maraming TV shows ng ABS-CBN.

Huling teleserye niya ay ang La Luna Sangre.

Dalawa rin ang movie niya ngayong taon, ang Da One That Ghost Away at kasama rin siya sa Fantastica.

6. Kisses Delavin

Una rin nakikilala sa PBB noong 2016 ay si Kisses Delavin at nanalo bilang 2nd big placer.

Makikita siya ngayon sa Playhouse at sa ASAP Chill Out.

At dalawa rin ang kanyang pelikula ngayong taon.

Ang isa ay ang Walwal, at may MMFF entry din siya na pinagbibidahan ni Vice na Fantastica.

7. Karen Reyes

Siya si Elisse ng Ngayon at Kailanman at si Emmy ng kakatapos lang na show na Asintado pero bago man nito ay isa raw siyang typical teenager sa kanyang hometown na Calapan, Oriental Mindoro.

At nakilala sa TV nang sumali sa pinakamalaking reality show sa bansa ang PBB, at nagtapos siya bilang Second Teen Big Placer.

8. Beauty Gonzalez

Siya ngayon si Romina Andrada ng Kadenang Ginto pero unang nakilala sa Pinoy Big Brother:Teen Edition Plus 4th grand placer.

At naging kaunahan rawn na housemate sa naturang episode na nag-appear sa teleserye pagkatapos mag-exit sa Big Brother house.

9. Sam Pinto

Si Sam Pinto ay nag-umpisa umano bilang print-ad at TV commercial model sa edad na 10 years old.

Pero naging kilala siya ng mga tao nang sumali siya sa Pinoy Big Brother:Double Up.

Busy siya ngayon sa kanyang beach resort.

Huling teleserye niya ay ang La Luna Sangre at naging parte rin siya ng Bubble Gang mula 2010 hanggang 2016, ayon na rin sa kanyang online bio.

10. Yen Santos

Isa sa pinag-uusapang ngayong karakter sa TV ay si Jacky ng Halik na si Yeng Santos.

Talaga namang nakakawindang ang teleseryeng ito pero una muna siyang nakilala sa Pinoy Big Brother: Teen Clash noong 2010.

11. Myrtle Sarrosa

Ang cumlaude graduate ng UP na si Myrtle Sarrosa na unang nakilala bilang ang Cosplay Cutie ng Iloilo at ang Big Winner ng Pinoy Big Brother:Teen Edition 4.

The Good Son at Precious Hearts Romances Presents: Araw Gabi, ang huli raw niya na teleserye sa ABS-CBN.

Makikita raw siya ngayon sa ASAP.

On another note, we added a new video with our fellow kababayans answering some tricky questions, and it sure is a whole lot of fun.

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Isabelle Daza reveals that she does not want people calling her child handsome

Isabelle Daza reveals that she does not want people calling her son “gwapo”

Isabelle Daza reveals that she does not want people calling her son “gwapo”
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel