Ilang oras mula nang buksan ang Boracay, kinakitaan na agad ng mga basura
- Kabubukas lamang muli sa publiko ng isla ng Boracay nang kakitaan muli ito ng mga nagkalat na basura
- Binahagi ni Cherie Mercado ang mga nagkalat na plastic cups sa isla
- Ngitngit naman sa galit ang mga netizens sa mga larawan na ebidensya ng kawalan ng disiplina
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Nakapanlulumong tingnan na sa ilang oras palang na pagkakabukas muli ng isla ng Boracay, kinakitaan na agad uli ito ng mga nagkalat na basura.
Binahagi ni Cherie Mercado sa kanyang facebook ang mga larawan kung saan nagkalat ang mga plastic cips at iba pang pinagkainan sa isla.
Ramdam sa caption ng post ni Cherie ang labis na pagkadismaya sa kung sinuman ang may kagagawan nito.
Ebidensya rin ito ng kawalan ng disiplina dahil sa alam namang polusyon ang dahilan ng pagkakasara ng isla ngunit nagawa pa rin ng taong ito na magkalat.
Ayon pa nga sa post ni cherie, lalabas na sa loob lamang ng dalawang linggo, asahang sandamakmak na naman ang kalat sa isla na [inagsumikapang linisin at ibalik ang dating ganda nito sa loob ng anim na buwan.
Samantala, di naman maiwasang maglabas din ng saloobin ang mga netizens na nanlumo sa mga nakitang larawan sa kalilinis lamang na isla.
PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!
Narito ang ilan sa kanilang mga komento:
"Dapat may cctv tapos bantayan ng operator pag may nakita mag tapon ng basura parusa nya mamulot ng 10kilong basura. Tapos Iplay sa pagmumukha nya ung video nya na nagtapon cya ng basura para di na umangal pa"
"Tsk kunting kunsiderasyon man lng kya lagi npipintasan mga pinoy"
"Dapat ipagbawal ang takeout na.ganyan maganda nga sa banana leaf ilagay ang pagkain eh."
"Dpat full of cctv’s sa area. Then who ever caught n mag tapon kahit isang beses lang ban agad to go to bora'
" Kelan ba tayo matututo guys? Lahat naman tayo, alam ang kasabihang "Itapon mo, Basura mo".. Jusko naman. Disiplina naman sa sarili oh."
"grabe naman ito, first day pa lang! ano na tayo?"
You know everything is extraordinary expensive these days. So we have decided to explore what can a person with 200 pesos in his or her pocket can buy in Ukay-Ukay.
Ukay-Ukay (Bargain Store) 200 Pesos Challenge | HumanMeter on KAMI Youtube channel.
Source: KAMI.com.gh