Bumbero, iniwan ang kasal para magsalba ng pamilyang nasusunog ang bahay

Bumbero, iniwan ang kasal para magsalba ng pamilyang nasusunog ang bahay

- Dala ng tawag ng kanyang tungkulin, nagawa ng isang bumbero na iwan ang kasalan niya

- Di inaasahang may sunog na magaganap sa araw ng kasal ng bumbero at sumama pa rin ito sa pag-apula sa nasusunog na bahay

- Maluwag namang inintindi ng kanyang asawa ang desisyon dahil natapos naman na ang pagbabasbas sa kanilang pag-iisang dibdib

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nagdesisyon ang matagal nang magkasintahang sina Jeremy Bourasa at Krista Boland sa St. Paul Park Fire Department kung saan naglilingkod bilang bumbero si Jeremy.

Nalaman ng KAMI na makabuluhan daw ang pagdaraos ng kasal nila sa Fire station dahil nagdesisyon si Jeremy na maging bumbero nang masunog ang bahay ng kapatid ni Krista at pumanaw ang mga pamangkin sa dalawang magkahiwalay ding sunog.

Ilang araw bago ang kasal, nagkarron ng sunog sa kanilang lugar, nagkabiruan pa sila na paano kaya kung magkaroon din ng insidente sa aral ng kanilang pag-iisang dibdib. Naniwala silang di naman ito nangyayari ngunit sadyang mapaglaro ang tadhana.

Matapos ang mismong seremonya ng kasal, biglang nagkaroon ng ng sunog na kainailangan nilang apulahan.

Napatingin si Jeremy sa kanyang asawa na noon na si Krista na animo'y nagpapalam kung maari ba siyang sumama sa pagresponde sa sunog.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

“At first I looked at him like, ‘No, don’t even think about it,’ and he wasn’t going to think about it,”

“But then, we were taking a couple more pictures and I could actually hear how bad the fire was. It was the city next to us that needed help, so it was an ‘all-call,’ where they call for extra men,” kwento ni Krista.

Alam ni Krista kung gaano ang dedikasyon ng kanyang asawa sa kanyang trabaho kaya naman hinayaan na niya itong sumama sa pagtulong sa nasunugang pamilya.

Lunan ng firetruck na sinakyan din nila para sa kanilang dramatic entrance, iniwan ni Jeremy ang kanilang kasalan at mas pinili ang paglilingkod sa panahong iyon.

Dahil dito, labis na hinangaan ang mag-asawa dahil sa di sila makasarili at alam nila ang kahalagahan ng trabaho ni Jeremy.

Dahil dito, binigyang pugay ng kanilang lugar ang kabayanihang nagawa ni Jeremy sa pag-iwan ng sariling kasal na napakahalaga din naman sa kanya upang tupdin ang kanyang tungkulin bilang isang bumbero.

You know everything is extraordinary expensive these days. So we have decided to explore what can a person with 200 pesos in his or her pocket can buy in Ukay-Ukay.

Ukay-Ukay (Bargain Store) 200 Pesos Challenge | HumanMeter on KAMI Youtube channel

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica