Multong sunog ang mukha at walang buhok, humahabol daw sa mga jeep sa Caloocan

Multong sunog ang mukha at walang buhok, humahabol daw sa mga jeep sa Caloocan

- Isang white lady daw ang namamataang humahabol sa mga pampasaherong jeep sa Barugo St. Camarin, Caloocan

- Pagsapit ng gabi, nagpapakita at nakikisakay pa raw ang sunog na mukha at walang buhok na multo

- Marami-rami na ang mga kwento ng jeepney driver at pasahero na mismong nakasaksi sa pagpaparamdam ng multong ito sa Caloocan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Pinaniniwalaang bagong Balete drive ang Barugo Street sa Camarin Caloocan dahil sa nadadalas daw na pagpaparamdam daw doon ng multong nakaputi.

Tulad ng Balete drive kung saan madalas nagpapakita raw ang white lady doon, sa Baugo st. naman ay isang mutong kalbo na at sunog ang mukha ang pumapara raw sa mga jeep na animo'y sasakay.

Nalaman ng KAMI ayon sa kwento ng isang jeepney driver, pagsapit na ng gabi, aminadong nababalot na sila ng takot na magsakay at magbaba sa Barugo. Marami-rami na kasi ang nakaranas ng kakaibang pagpaparamdam ng multo roon.

Gaya na lamang ng karanasan ng pasaherong si Kate Dolar. 2:30 na ng madaling araw nang siya ay umuwi at sumakay ng jeep. Nakita raw niya sa may dating mental hospital sa Camarin na may pumaparang "lalaki" na kalbo. Nagtaka na lamang sina Kate na nilampasan na lamang ito ng driver gayung natapatan daw ito ng ilaw kaya naman nakita nila.

Dumiretso at lalo pang binilisan ng tsuper ang pagmamaneho hanggang sa napasigaw ang isa pang sakay ng jeep dahil sa nakita niyang humahabol ang 'lalaki' na nilampasan nila.

Nakita rin mismo nina Kate ang hitsura ng pinaghihinalaang multo dahil nga sa humahabol ito, napalapit ito sa jeep at halos pasakay na, nagulat at natakot sila nang makita ng malapitan ang humahabol na sunog ang mukha at kaya pala ito kalbo ay sunog din ang ulo nito.

Nilarawan pa nila itong sobrang itim ng mata at at sobrang putla ng kulay ng balat. ang mas nakakagulat pa dito, nagsasalita pa raw ito ng "pasakay, pasakay, pasakay!" habang tumatawa tawa ito.

Nang malapit na silang bumaba, napansin na lamang nila na wala ang multo raw na humahabol sa kanila.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ayon sa ulat ng GMA news, hinala daw ng ilang residente ng Camarin, dating pasyente ng mental hopital roon ang nagpaparamdam na multo sa mga jeep. May sabi sabi pa raw doon na naaaksidente pa noon ang mga jeep na di nagpapasakay sa multo.

May ilang nagsasabi naman na accident prone area raw ang lugar na ito at marahil ang multong nagpaparamdam ay isa sa mga naaksidente rito.

You know everything is extraordinary expensive these days. So we have decided to explore what can a person with 200 pesos in his or her pocket can buy in Ukay-Ukay. Ukay-Ukay (Bargain Store) 200 Pesos Challenge | HumanMeter on KAMI Youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
"Anong nangyari?!" Bea Alonzo nang makita ang mukha ni Pia Wurtzbach sa GGV

"Anong nangyari?!" Bea Alonzo nang makita ang mukha ni Pia Wurtzbach sa GGV

"Anong nangyari?!" Bea Alonzo nang makita ang mukha ni Pia Wurtzbach sa GGV
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel