10 Showbiz couples na nagfile diumano ng annulment o divorce

10 Showbiz couples na nagfile diumano ng annulment o divorce

Nakakalungkot isipin na mayroong mga pagsasama na hindi nagwawakas ng maganda, at kailangang putulin, ika nga nila.

Inilista ng GMA News Online ang mga celebrity couples na diumano'y nagfile ng annulment o divorce sa kani-kanilang mga asawa.

Dito sa KAMI ibabahagi namin ang 10 sa kanila sa listahang ito.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

1. Sharon Cuneta at Gabby Concepcion

Hindi lingid sa kaalaman ng nakakarami na ang lovestory nina Sharon at Gabby ay nag-umpisa sa mga pelikula na pinagtambalan nilang dalawa na nauwi sa totohanan, nang kinasal sila noong 1984, at nagkaroon ng anak na si KC Concepcion.

2. Pops Fernandez at Martin Nievera

Ang mag-asawang singers na sina Martin Nievera at Pops Fernandez ay unang nagkilala umano noong 1982, at pagkatapos ng apat na taon, sila'y kinasal, at nagkaroon ng dalawang anak.

3. Dayanara Torres at Marc Anthony

Sina Dayanara Torres at Marc Anthony ay mayroong dalawang anak na lalaki pero naghiwalay sila at nagdivorced noong 2004.

4. Bianca Lapus at Vhong Navarro

Ang dating Streetboys dancer na ngayon ay isa sa mga hosts ng It's Showtime sa ABS-CBN ay kinasal sa aktres na si Bianca Lapus noong 1998 sa Floridablanca, Pampanga, ayon pa sa balita.

Buntis na daw noong panahon na iyon si Bianca sa kanilang unang anak na si Isaiah.

5. Sheryl Cruz at Norman Bustos

Ang Kapuso aktres at isa sa Triplets na si Sheryl Cruz ay nagkaroon daw ng isang fairytale wedding sa dating mister na si Norman Bustos pero natapos umano ito noong August 2010.

Kinasal raw ang dating mag-asawa ng tatlong beses.

6. Ciara Sotto at Jojo Oconer

Kahit na raw na naghiwalay sina Ciara at Jojo noong 2016 ay sinigurado naman daw ng Eat Bulaga dabarkad babies na ang kanyang anak ay makakapagbonding sa kanyang ama.

Ani pa raw ni Ciara:

“He sees him and they spend time together. They bond. I think it's important din naman that he has a relationship with his dad.”

7. Kristine Hermosa at Diether Ocampo

Nagpakasal daw si Kristine Hermosa kay Diether Ocampo noong September 21, 2004 sa Jaen, Nueva Ecija.

8. Carmina Villaroel at Rustom Padilla

Nagpakasal si Carmina Villaroel sa dating matinee idol na si Rustom Padilla noong 1994.

9. Kris Aquino at James Yap

Nagkaroon umano ng civil wedding sina Queen of All Media Kris Aquino at PBA cager na si James Yap noong July 10, 2005, at may anak silang lalaki na kilala rin ng taong bayan na si Bimby.

10. Sunshine Cruz at Cesar Montano

At kamakailan lang ay binalita namin ang tungkl sa pagka-annulled ng kasal ng Kapag Nahati Ang Puso aktres sa dating asawa na si Cesar Montano noong September 18, 2018.

On another note, we added a new video with our fellow kababayans answering some tricky questions, and it sure is a whole lot of fun.

Will you be able to guess it?

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Ramon 'Bong' Revilla, ikinwento kung bakit namamahay pa din siya sakanilang sariling bahay

Ramon 'Bong' Revilla, ikinwento kung bakit namamahay pa din siya sakanilang sariling bahay

Ramon 'Bong' Revilla, ikinwento kung bakit namamahay pa din siya sakanilang sariling bahay
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel