Alfred Vargas and wife Yasmine, lalaki ang magiging anak

Alfred Vargas and wife Yasmine, lalaki ang magiging anak

- Limang buwan na ang ipinagbubuntis ng asawa ni Alfred na si Yasmine Vargas

- Masaya nilang ibinalitang alam na nila ang kasarian ng kanilang magiging baby

- Gayunpaman, si Lolit Solis ang nagpaalam sa mga netizens na lalaki ang kanilang anak

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Limang buwang buntis ang magandang asawa ni Alfred Vargas. Masaya nilang ibinalita sa social media na alam na nila ang kasarian ng kanilang magiging baby.

Excited ang congressman sa kanilang magiging baby at ibinahagi niya ang sonogram ng kanilang baby sa Instagram noong August 10.

Marami sa kanilang mga followers ang nagsabing sana daw ay lalaki na ang sunod na magiging anak nila dahil meron na silang dalawang anak na babae na sina Alexandra Milan at Aryana Cassandra.

Sa isa sa kanyang latest Instagram post, ibinahagi ni Yasmine ang sonogram ng kanilang baby at nagbigay ng sweet na message para sa baby. Sa comment section ng nasabing post ay sinabi niyang alam na nila ang kasarian ng kanilang baby.

Kagaya ng kanyang asawa, hindi din binanggit ni Alfred ang kasarian ng kanilang anak.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Gayunpaman ang manager ni Alfred na si Lolit Solis ang bumuking ng gender ng kanilang anak.

"Natuwa naman ako na ang next baby pala nila Alfred at Yasmine Vargas ay baby boy... ani Lolit.

"Lucky Alfred na para bang lahat ng hiling sa buhay ay binibigay. Feeling ko na hanggang ngayon ay nandiyan pa rin ang mommy niya dahil ang ganda ng takbo ng buhay niya. Tahimik ang buhay may asawa niya, natupad ang dream niya na maging actor, magtagumpay sa politics, maging mabuting anak, kapatid, asawa at tatay.

"Iyon ang isang bagay na sinasabi ko kung bakit hanga ako sa mga artistang nakatapos ng pag-aaral. Siguro nga may plano sila sa buhay at nagagawa nila iyon ng mabuti dahil may laman ang utak nila, alam nila na may fallback sila na hindi puwedeng mawala iyong nasa utak nila.

At salamat din dahil sa people chemistry nila ni Yasmine, naging matibay ang kanilang married life. Congrats Cong. Alfred Vargas, you’re the man, tunay kang pinagpala dahil mabait ka. #instatalk #lolitkulit #71naako @alfredvargasofficial"

Congrats, Alfred and Yasmine!

Filipinos Answer Funny Tricky Questions Tagalog: Who Is Neil Armstrong? | HumanMeter

Philippines social experiment: can you answer these tricky questions?

Today we are going to ask Philippines strangers some very funny Tagalog tricky questions!

Do you think you can answer them correctly? These individuals from the Philippines have their answers! Who Is Neil Armstrong? These question might sound easy, but in reality, they are pretty tricky and it is easy to make a mistake!

Click “Play” and find out the answers to these tricky questions from the Tagalog speakers

Source: Kami.com.ph

Related news
Kris Aquino, ipinakita ang ebidensiya ng diumano'y pagwaldas ng pera niya nang walang paalam

Kris Aquino, ipinakita ang ebidensiya ng diumano'y pagwaldas ng pera niya nang walang paalam

Kris Aquino, ipinakita ang ebidensiya ng diumano'y pagwaldas ng pera niya nang walang paalam
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel