Fab 5! Pretty Pinay celebrities na iniwan ang city life para sa beach life

Fab 5! Pretty Pinay celebrities na iniwan ang city life para sa beach life

Dumarating sa buhay natin ang isang malaking desisyon, ito man ay may kinalaman sa "moving on" process, pagpili ng tahimik at simpleng pamumuhay, o gusto mo lang ng pagbabago, at ang iba nama ay trying to find "myself" ang peg din sa life.

Heto ang limang nagagandahang Pinay celebrities na pinagpalit ang city life na nakasanayan na at pinili ang maganda, maaliwas, simple, at tahimik na buhay ng dalampasigan.

Naniniwala ang KAMI na dumarating sa buhay nating mga tao ang pagbabago dahil ika nga sa sikat na kasabihan, "The only thing is constant is change."

Kaya naman silipin natin ang mga bagong pamumuhay na ipinagpalit ng mga kilalang personalidad na mga ito.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

1. Andi Eigenmann

Unang pinili ni Andi Eigenmann ang dalampasigan ng Siargao, kung saan pinakita nya tayo sa kanyang angking galing sa pagsusurf.

Pero sa unang mga balita unang tumira si Andi sa Baler, Aurora at sumunod ang Siargao pero tila naggoodbye na sya sa huli kasama ang paggoodbye sa ex.

Ngayon, sa mga latest snaps ng kanyang IG, nasa Baler, Aurora na sya.

2. Rachel Peters

Bukod sa pagiging beauty queen, ang ating Miss Universe Philippines 2017 ay isa ring mahilig sa pagbabake.

Meron syang sariling coffee shop sa Siargao, at ang pangalan ay Bake X Siargao.

3. Lauren Reid

Mukhang tapos na si Lauren Reid sa kanyang city life at pinili ang dalampasigan ng General Luna, Siargao, at doon nagpatayo ng kanyang unang negosyo na 'Sirena Spa Siargao.'

Ayon pa sa kanyang caption, ito raw ang first business venture nya, at sa mga litrato na nakita namin sa kanyang IG ay tila nahumaling sya lugar dahil lalong gumaganda ang kapatid ni James Reid.

4. Sam Pinto

Hindi man tuluyang iniwan ni Sam Pinto ang buhay sa lungsod pero busy sya tila medyo napapadalas sya sa dalampasigan dahil busy sya sa pagmamanage ng kanyang sariling resort na ang pangalan ay L'Sirene Boutique sa Baler, Aurora.

5. Mara Lopez

Isa din si Mara Lopez na napa-ibig sa ganda ng Siargao at pagsusurfing, at kitang kita naman ang galing nya dito.

We added a new video with our fellow kababayans answering some tricky questions, and it sure is a whole lot of fun.

Will you be able to guess it?

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Tatlong mambabatas sangkot sa ‘pork barrel scam’ nais muling bumalik sa Senado

Tatlong mambabatas sangkot sa ‘pork barrel scam’ nais muling bumalik sa Senado

Tatlong mambabatas sangkot sa ‘pork barrel scam’ nais muling bumalik sa Senado
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel