Nastress nang todo ang netizens dahil sa pagtawid ng isang babae sa EDSA
- Hindi naiwasan ng netizens na mabwisit nang sobra sa ginawa ng isang babae sa gitna ng isang bahagi ng EDSA
- Tumawid ang isang babaeng nakapula, maaaring sa pagmamadaling makapasok sa trabaho, at sa bilis ng isang sasakyan ay nabangga nito ang babae at tumalsik nang malakas
- Mas marami namang netizens ang nainis sa babae at sinabing hindi raw kasalanan ng drayber ng sasakyan ang aksidente sa kalsada
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Tampok ngayon sa social media sa at malalaking pahayagan ang ginawa ng isang babae sa gitna ng kahabaang ng Epifanio de los Santos Avenue, o mas kilala sa katawagang 'EDSA'. Nilagyan ng mga karampatang tawiran ang EDSA dahil mapanganib at bawal tumawid dito.
Nalaman ng KAMI ang tungkol sa nasabing balita dahil matapos itong kumalat sa social media at malalaking mga pahayagan ay umani ang babae ng pambabatikos mula sa netizens.
Nahuli sa video ng isang dash camera ng isang motorista na nasa bahagi ng pinangyarihan ng aksidente kung paano mabilis na tumawid ang babae ngunit hindi natakasan ang paparating na sasakyan.
Makikita na sa kanyang pagtakbo ay hindi pa rin huminto ang isang Toyota Innova na humaharurot sa fast lane ng EDSA.
Ayon sa mga signs na nakapaskil sa EDSA, mahigpit na ipinagbabawal sa mga commuters na tumawid sa hindi tamang tawiran, kagaya na lamang ng ginawa ng nasabing babae.
Ang pamahalaan ay naglaan ng mga tamang tawiran gaya ng mga footbridge at tulay na nakakonekta sa mga istasyon ng MRT Line 3.
Ayon din naman sa netizens na nakapanood sa nasabing video, talagang makikita na hindi nila kinakampihan ang babae kahit na nabangga pa ito.
Marami pa nga sa kanilang nagsabi na pustahan daw, at bukas makalawa ay magsasampa ng kaso ang pamilya ng babae dahil sa reckless driving pero madali lang daw itong ibabasura ng korteng hahatol.
Tinawag din 'tanga' at 'pasaway' ang babaeng nabangga dahil sa hindi niya pagsunod sa mga alituntunin sa daan.
Panoorin ang nasabing viral na video sa ibaba:
Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!
Imagine that you’re walking down streets of the Philippines, thinking of your work, friends, and family. Suddenly a man walking in front of you drops his wallet. He continues walking, without realizing that he has just lost all his money. What would you do in this situation? Social Experiment: How Honest Are People Around You? – on HumanMeter!
Source: KAMI.com.gh