Pang-ilan na ito? Guro, nagpatiwakal dahil daw sa dami ng pinagagawa ng DepEd
- Isa na namang guro ang kumitil sa sarili niyang buhay dahil sa di kinaya ang dami ng pinagagawa ng DepEd
- Di ito ang unang pagkakataon na may nagpatiwakal na guro at ang sinasabing dahilan ay ang tindi ng trabaho na nakaatang sa kanila
- Sana raw ay huwag nang maghintay na isa muling buhay ang mawala bago ito aksyunan ng Kagawaran ng Edukasyon sa ating bansa
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Nito lamang Agosto 22, isa na namang guro ang kumitil sa sarili niyang buhay dahil sa dami raw ng trabaho na nakaatang sa kanila na di na nila ito kinaya.
Nakilala ang guro na si Teacher Shannen Espino, 23 taong gulang.
Ayon sa post ng netizen na si Maricel Hererra, nagtuturo si teacher Shannen sa Aniban Central School Bacoor City. Kapapasok lamang niya sa nasabing paaralan ngayong Hunyo panuruan taon 2018-2019.
Base sa kwento ng mga kaibigan at kasama ni teacher Shannen sa kayang boarding house, madalas daw nitong iinda ang observation na ginagawa sa kanya ng kanilang punungguro. Katunayan, sa loob ng 2 buwan, naka-apat na observation na sa kanya na nagdadala ng matinding pressure bago o datihan kang guro man.
Nalaman din ng KAMI na ang 2 seeion ang hinahawakan ni Teacher Shannen sa maghapon. Una, ang 7:00am-10:00am at 1:00pm-4:00pm. Ngunit, 11:00am-1:00pm ay kinakailangan niyang maglaan ng oras sa pagbabantay ng opisina ng paaralan at gawin ang ilan daw gawain ng clerk.
Sa panahaon din ngayon na computer at printed na halos lahat ng bagay, pinasusulat kamay pa rin daw kina Teacher Shannen ang makabagong lesson plan ngayon na tinatawag na Daily Lesson Log.
Bukod pa rito, bilang Kinder ang hinahawakan niyang klase, kinakailangan din niyang maghanda ng mga instructional materials gaya ng chart, pictures at iba pa para ma-engganyo ang bata.
Di lang daw ito, dagdag pa ang iba pang hinihinging accomplishment reports ng DepEd kada buwan na siyang pagbabasehan daw ng performance ng guro. Ito ang dahilan kung bakit madalas obserbahan si teacher Shannen.
Ayon sa ama ng guro, sana ay magsilbing panggising sa Kagawaran ng Edukasyon ang nangyari sa kanyang anak lalo pa at di ito ang unang kaso ng pagpapapatiwakal ng isang guro sa pampublikong paaralan sa panuruang taong ito.
Maalalang minsan nang naibalita ng na isa ring batang guro ang kumitil sa buhay niya dahil sa nag-uumapaw na trabaho na nakaatang sa kanya. Isa na rito ang paghahanda ng 24 na lesson plans sa isang araw dahil ang gurong ito ay nagtuturo ng multi-grade o iba't ibang grade level sa isang klase.
Nawa ay pakinggan daw ng DepEd ang hinaing na ito ng mga guro at pamila nila, at sana huwag nang hintayin pa na isa buhay muli ang mawala bago pa ito maaksyunan.
Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!
How Do You Say. Cheers In Filipino? | HumanMeter on KAMI Youtube channel.
Source: KAMI.com.gh