Kumusta na kaya?! Unang 13 housemates ng PBB, at ang buhay nila ngayon

Kumusta na kaya?! Unang 13 housemates ng PBB, at ang buhay nila ngayon

Ang bilis ng panahon at hindi natin namamalayan na ang Pinoy Big Brother ay isa sa pinakamatagal na reality television show na pinalabas sa telebisyon.

Unang umere ang napakasikat na bahay ni kuya noong 2005 sa ABS-CBN, at pinakilala ang unang 13 housemates na nakapasok sa naturang tahanan.

Nagbalik tanaw ang Push website, sa mga kauna-unahang batch ng housemates sa PBB sa Kapamilya network sa pagdiriwang ng anibersaryo nito noong August 21, 2018.

Ngayon, dito sa KAMI, ating silipin ang 13 housemates na ito at ang kani-kanilang buhay pagkatapos makilala at sumikat sa bahay ni kuya.

1. Bob dela Cruz

Tinaguriang "aspiring politician" ng kauna-unahang batch ng Pinoy Big Brother housemates, pinatuloy ni Bob ang kanyang paghahangad na maglingkod sa bayan sa pamamagitan ng pag-upo sa public office pagkatapos umalis sa bahay ni kuya.

Siya ay kasalukuyang first councilor ng Marilao, Bulacao, at naglilingkod sa kanyang pangatlong termino.

2. Cass Ponti

Ang taga Davao na si Cass ay ang kauna-unahang 3rd Big Placer ng PBB, at mas nakilala sa kanyang morena beauty at galing sa pagluluto.

At nakilala din siya sa pagiging close kay Uma.

Pagkatapos ng kanyang TV appearance sa bahay ni kuya, naging sexy actress si Cass at naging cover gil ng 2006 October issue ng Maxim.

Kamakailan daw ay bumisita si Cass sa Magandang Buhay at binahagi na ngayon ay mommy na siya ng dalawang batang lalaki at negosyante.

3. Chx Alcala

Ang nakilala na "wild girl" ng season 1 ng PBB, si Chx ay naging kontrobersiyal na housemate sa bahay ni kuya pagkatapos makipaghalikan sa heartthrob ng show na si Sam Milby.

Ngayon, isa na syang freelance events host at talent director.

4. Franzen Fajardo

Nakilala sa bahay ni kuya bilang ang "pasaway" na housemate, at kahit na "force evicted" sya, ang kanyang mga antics at kasamahan na si Jayson ay talaga namang nakakaaliw at hindi makakalimutan.

Sinubukan din nya ang pag-aartista pero kalaunan ay bumalik umano sa pagiging salesman.

Ayon pa sa balita sa Bandila, nasa buying and selling business na daw sya sa Singapore na nabalita din namin dito noon.

5. Jayson Gainza

Ang construction worker/waiter na PBB housemate ay nag-uwi sa second place sa reality TV show.

Ngayon, aktibong aktibo sya sa ABS-CBN shows kagaya ng Banana Sundae, Funny Ka, Pare Ko. at ibang TV guesting sa naturang istasyon.

6. JB Magsaysay

Isa sa kinilalang heatthrobs ng PBB si JB na naging partner ni Say Alonzo na naging magsing-irog.

Ngunit, naputol ang kanilang pagmamahalan, na tinatawag nilang "PBB Love."

Umarte si JB pagkatapos ng show at pumasok sa pulitika, na ayon naman sa source, ay nasa dugo na nila, at ngayon nga raw, sya ang barangay captain ng San Juan, La Union.

At napangasawa nya ang mommy ni Coleen Garcia na si Maripaz noong 2012.

7. Jenny Suico

Ang unang housemate na nag voluntary exit dahil sa amang may sakit, at naging bahagi sa Big Brother's Big Switch, at nakabalik sa loob ng bahay ni kuya.

Ngayon raw ay masaya na si Jenny sa kanyang buhay may asawa at pamilya at naninirahan sa Amerika.

8. Nene Tamayo

Ang Big Winner ng first season ng PBB, na nakilala sa tawag na "Commander Nene," ay isang matagumpay na negosyante.

Wala syang balak na mag fulltime sa showbiz pero sumasayaw siya sa dating dance show ng ABS-CBN na U Can Dance, kung saan din niya nakilala ang kanyang mister at ama ng kanyang 7-year-old son.

May-ari sya ng Nene Primefoods, isang uri ng bottled-food business at ilan sa kanyang binibenta ay pickled chili, eight-spiced tuyo, at Spanish-style bangus sardines.

9. Racquel Reyes

Nakilala dahil sa kanyang "motherly traits" sa first season ng PBB, naging true naman siya sa calling nya na maging isa teacher.

Ayon pa sa balita, proud survivor daw si Racquel ng apat na stroke, at ngayon, ay nagtuturo pa rin raw ito sa paaralan ng Trapiche, Batangas.

10. Rico Barrera

Kahit sya ang naunang evictee sa PBB house, naging visble naman sya sa mundo ng showbiz.

Bukod sa pagiging aktor, sya rin ay isang modelo at negosyante.

May indie film daw sya kasama si Matteo Guidicelli at Bangs Garcia noong 2015.

11. Sam Milby

Ang gwapong Film-Am mode na pinagkakaguluhan ng mga girls at ngayon ay kilala bilang isa sa mga top actors ng ABS-CBN.

Ngayon, isa sya sa lead stars ng newest TV series sa Kapamilya ang Halik at may ginagawa din sya na movie ng orihinal PBB host na si Toni Gonzaga at kapatid nito na si Alex Goznaga.

12. Say Alonzo

Ang "kikay" sa bahay ni kuya, si Say Alonzo ay happy naman sa kanyang married life pagkatapos umalis sa showbiz at nag-asawa sa mister nitong si Ryan Tordesillas.

Ngayon, isang businesswoman at hands on mom si Say sa kanyang anak na si Asher.

Ang duet song nila ni Sam na "Magmahal Muli" ay nagtop sa charts noong 2005.

13. Uma Khouny

Ang half-Israel at hafl-Filipino na si Uma na kaclose ni Cass sa PBB at nakilala bilang prangka na housemate ay naninirahan na ngayon sa New York at nagmamanage umano ng kanyang coffee business.

Ito ay pagkatapos maghost sa travel show na Trip Na Trip kung saan kasama nya si Franzen.

Nagsimula ang unang season ng Pinoy Big Brother noong August 21, 2005, at nagtapos noong December 10, 2005.

Ang mga unang naging host nito ay sina Willie Revillame, Mariel Rodriguez, at ang Ultimate Multimedia Superstar na si Toni Gonzaga.

Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

And because the “Kiki Challenge” is the new “in” thing across the globe, especially here in the Philippines, and we just don’t want to miss out the whole fun of this newest trend, and thus, we are taking the challenge into a new funnier and wackier level.

Check him out in the video below!

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Jy Lin avatar

Jy Lin