'Kadenang Bulaklak' actress na si Ana Roces tila nakahanap ng fountain of youth

'Kadenang Bulaklak' actress na si Ana Roces tila nakahanap ng fountain of youth

- Si Ana Roces ay isa sa pinakasikat at kilalang aktres ng kanyang henerasyon na unang nakilala bilang isa sa mainstays ng That's Entertainment

- Isa siyang aktres at singer at kilala rin dahil isa lang naman siya sa may pinakamagandang mukha sa showbiz

- Ngayon, sa edad na 42 years old tila hindi tumanda ang napakagandang aktres na makikita ngayon sa Precious Hearts Romances Presents: Araw Gabi

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Talagang nakakabighani at nakaka-inspire na makita at malaman na ang hinahangaang artista ay tila hindi kumukupas ang kagandahan.

Marami na din tayong nakilalang mga artista na mukhang hindi tumanda at ang edad ay isa lamang numero para sa kanila na naifeature na din namin dito sa KAMI.

Sa The Campfire Thoughts naispatan namin ang isa pa sa may pinakamagandang mukha sa showbiz at ito ay walang iba kung hindi si Ana Roces.

Makikita sya ngayon sa Kapamilya network sa Precious Hearts Romances Presents: Araw Gabi na pinangungunahan nina JM De Guzman at Barbie Imperial.

Kung makikita mo siya sa nasabing palabas ay hindi mo aakalain na 42 years old na sya.

Kaya naman namangha ang mga fans niya at hindi maiwasan na maitanong kung ano ang sekreto niya dahil tila nahanap niya ang fountain of youth.

Shinare naman daw ni Ana Roces ang sekreto ng kanyang ageless beauty.

Ayon umano sa aktres, ito ay nagsimula sa healthy lifestyle kagaya ng paggising ng maaga sa pamamagitan ng pagtulog ng maaga rin, at kailangan mayroon daw siyang 8-9 hours sleep sa bawat araw.

Pero ito ay maliban kung may trabaho siya na gagawin.

Wala ring bisyo ang magandang aktres.

Hindi siya naninigarilyo at umiinom ng alak.

Nag-e-exercise din daw siya, at sa kanyang mukha naman, ang sekreto umano niya ay ang pagpapafacial at firming treatment.

Sa kabuuan isa siyang working mom na focus sa pag-aalaga ng kanyang mga anak at hindi kinakalimutan din alagaan ang sarili.

Isa lang naman sya sa mga lead stars sa isa sa hit na pelikula ng Viva Films ang Kadenang Bulaklak na pinagsamahan nila nina Donna Cruz, Angelu de Leon, at Vina Morales.

Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

And because the “Kiki Challenge” is the new “in” thing across the globe, especially here in the Philippines, and we just don’t want to miss out the whole fun of this newest trend, and thus, we are taking the challenge into a new funnier and wackier level.

Check him out in the video below!

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
"Kung kabet ka nga, sana hindi ka na magrecruit," Jade at Marissa, natameme!

"Kung kabet ka nga, sana hindi ka na magrecruit," Jade at Marissa, natameme!

"Kung kabet ka nga, sana hindi ka na magrecruit," Jade at Marissa, natameme!
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel