Hindi na nahiya! 55-anyos na anak, nagalit sa kaniyang matandang ina dahil pinalayas siya sa bahay

Hindi na nahiya! 55-anyos na anak, nagalit sa kaniyang matandang ina dahil pinalayas siya sa bahay

- Dumulog sa programa ni Raffy Tulfo ang 55-anyos na si Denia dahil inirereklamo nito ang ina na pinapalayas sila

- Nagpaliwanag naman ang 82-anyos na ina na ayaw nito sa asawa ng anak kaya pinabubukod na niya

- Pinapapili ng matanda si Denia kung bubukod siya o titira sa bahay niya ngunit hindi nito isasama ang asawa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Malakas ang loob ng 55-anyos na si Denia Hamor-Necio nang magreklamo ito tungkol sa pagpapalayas ng 82-years-old na ina sa bahay na kanilang tinitirahan.

Nalaman ng KAMI na ang bahay ay naka-titulo sa 82-anyos na nanay na si Salome Hamor.

Hindi na nahiya! 55-anyos na anak, nagalit sa kaniyang matandang ina dahil pinalayas siya sa bahay

Screenshot ng video

Kuwento ng matanda sa programang Wanted sa Radyo, balak niyang ipaayos ang taas ng kanilang compound kung saan nakapirme si Denia at ang pangalawa nitong asawa.

Pinakiusapan daw ni nanay Salome ang kaniyang anak at manugang na maghanap muna ng malilipatan dahil sa gagawing konstruksyon.

Ngunit nangatwiran ang anak at sinabing sila naman daw ang nagpagawa ng maliit na bahay sa 2nd floor ng property ni nanay Salome.

“Hindi naman po talaga kami naka-ano sa pagkain… Nagsasarili rin po kami. Yung tinitirahan namin doon sa taas, pinagawa din po namin yun,” katwiran ni Denia.

Hindi na nahiya! 55-anyos na anak, nagalit sa kaniyang matandang ina dahil pinalayas siya sa bahay

Screenshot ng video

Sinabi din ng anak na hindi nila kayang pagbigyan ang kagustuhan ni nanay na lumipat ng tirahan dahil maliit lang daw ang kinikita ng asawa niyang driver.

“Wala po kaming perang pang-down or pambayad sa nangungupahan dahil hindi na ho namin kaya ngayon,” dagdag pa ng anak.

Sa pag-uusisa pa ng host na si Raffy Tulfo, sinabi ni nanay na ang tunay na dahilan kung bakit niya pina-aalis ang mag-asawa ay dahil ayaw ng matanda sa manugang nito.

“Ang gusto ko hindi na siya mag-asawa at magtulungan na lang kami doon sa tatlong anak niya (sa unang lalaki),” ika pa ni nanay.

“Kasi itong asawa niya, maraming babae din yang kinakasama… Playboy, Sir!” reklamo ng matanda.

Narito ang video:

Dagdag pa ni nanay Salome, papayag daw siyang manatili sa bahay si Denia at ang tatlo nitong anak kung hindi sasama ang “playboy” na asawa.

Ngunit hindi rin daw tututol ang matanda kung pipiliin ng mag-asawa na magsama na lang at bubukod na sa bahay nila.

Hirap naman sa pagde-desisyon si Denia. Pinag-usap na lang sila ni Raffy nang personal upang malaman ang desisyon ng anak.

This episode is dedicated to a very important issue – the safety of our children. Today, we are going to check if parents teach their kids not to talk to strangers. Do children know the basic safety rules or a stranger can easily take them out of a playground? – on HumanMeter!

Source: Kami.com.ph

Related news
Isa lang siya! Doktor, motor lang ang gamit bilang ambulansya sa isang buong isla

Isa lang siya! Doktor, motor lang ang gamit bilang ambulansya sa isang buong isla

Isa lang siya! Doktor, motor lang ang gamit bilang ambulansya sa isang buong isla
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel