Magbunyi EchoTin fans! Jericho Rosales, natuwa sa suporta ng fans, payag makatrabaho uli si Kristine Hermosa

Magbunyi EchoTin fans! Jericho Rosales, natuwa sa suporta ng fans, payag makatrabaho uli si Kristine Hermosa

- Tinagurian si Jericho Rosales bilang Asian Drama King.

- Sikat pa rin kasi si Jericho ngayon sa iba’t ibang Asian countries lalo na sa Malaysia dahil sa mga dati niyang TV series na ipinalalabas doon

- Kaya walang kaduda-duda na mabenta talaga si Echo hindi lang sa Pilipinas kundi pati sa ibang bansa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kahit matagal nang natapos ang mga teleserye ni Jericho Rosales sa Kapamilya network, sikat na sikat pa rin siya sa ibang mga bansa sa Asya dahil ipinapalabas doon ang dati niyang mga teleserya.

Kaya naman tinagurian siyang Asian Drama King.

Masaya ang aktor dahil sa magagandang feedback sa kanyang mga naging project.

“You know why (happy ang feelng)? Projects that, you know, iba syempre ‘yung feeling na global ‘yung project. Number two, I have the opportunity to work with non-Filipino actors and production, ‘di ba? I get to sing pa,” lahad ng aktor sa presscon ng bago niyang primetime serye na Halik.

Aminado naman ang aktor na gusto niyang sumikat sa international scene. Binalak pa daw diumano niyang mangibang bansa upang masubukan ang kanyang swerte.

“Ngayong panahon na ‘to hindi mo na kailangang umalis. Dito lang, mag-produce ka ng ground-breaking projects,” aniya.

Ang teleserye nila ni Kristine Hermosa na Pangako Sa'yo ay sikat pa rin sa Malaysia.

“Masaya ako kasi alam ko na ayaw na niyang umarte, e. So, I think she’s having fun now. Alam ko si Kristine very focus ‘yan sa family niya, and that’s a great thing,” dagdag pa niya.

Nang matanong kung posbile silang magbalik tambalan ni Kristine narito ang kanyang sagot.

“Unbelievable ‘no? Hanggang ngayon maraming may gusto. E, why not?” aniya pa.

Nagbabalik telebisyon si Jericho sa pinakabagong teleserye ng Kapamilya na pinamagatang "Halik," kasama sina Yen Santos, Yam Concepcion at Sam Milby. Samantala, si Kristine naman ay nagbalik na rin sa paggawa ng teleserye sa pamamagitan ng fantaseryeng "Bagani."

Filipino Kidnapping Social Experiment: Are Your Children Safe? | HumanMeter

This episode is dedicated to a very important issue – the safety of our children. Today, we are going to check if parents teach their kids not to talk to strangers.

Do children know the basic safety rules or a stranger can easily take them out of a playground?

Click “Play” to watch this new episode of HumanMeter Social experiment.

Source: Kami.com.ph

Related news
Queenie Padilla apologizes to sister Kylie Padilla after attending her wedding

Queenie Padilla apologizes to sister Kylie Padilla after attending her wedding

Queenie Padilla apologizes to sister Kylie Padilla after attending her wedding
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel