Estudyante na pinaglaban ang dicount sa jip, inagawan ng cp ng konduktor at tinapon pa raw ito

Estudyante na pinaglaban ang dicount sa jip, inagawan ng cp ng konduktor at tinapon pa raw ito

- Viral ngayon ang post ng isang estudyante na nabastos ng isang konduktor ng jeep

- Pinaglaban lamang daw ng estudyante ang discount niya kahit na kahit sabado ay dapat meron

- Naging mainit ang pagtatalo ng dalawa na humantong pa sa pag-agaw ng cellphone ng estudyante at tinapon daw ito ng konduktor

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Galit na galit ang mga netizens na nakabasa ng post ng isang estudyanteng na may pangalang Joanne G. Turalde sa facebook kung saan siya ay nabastos daw ng isang babaeng konduktor sa jeep.

Ayon sa salaysay ng ni Joanne, araw ng Sabado at may pasok siya sa paaralan. Sumakay siya sa jeep at nagbayad. Sinabi niya na siya ay estudyante para ma-avail niya ang kanyang discount.

Dito na nagsimula ang argumento kung saan sinabi ng konduktor na wala namang discount ang etudyante pag Sabado. Umalma si Joanne dahil sa alam niya, ayon na rin sa kanyang nabasa na wala nang pinipiling araw ang student's discount.

Nang nagsusukli na ang konduktor tinanong nito kung kanino ang ₱50 na kay Joanne pala. Bigla na lang sinabi ng konduktor na "Sus. Maglalakwatsa ka lang. Magddiscount ka pa". Labis nang nag-init ang ulo ni Joanne dahil sa sinabing ito ng konduktor.

Nang binigay pa sa kanya ang sukli, di pa rin siya binigyan ng discount kaya naman sinabi ni Joanne na kulang ang sukli niya. At nagkapalitan na ng pagtatalo ang estudyante at konduktor.

Pinabababa na lang sana ng konduktor si Joanne para wala na lang daw gulo, ngunit dahil na rin sa sabi ng ibang pasahero, di na bumaba ang bata.

Hanggang sa napansin ni Joanne na tila kinukunan na siya ng larawan ng konduktor kaya naman naisip din niyang kunan din ito ng larawan.

Laking gulat ni Joanne nang hablutin ng konduktor sa kanya ang kanyang cellphone sabay tapon nito.

Umani ito ng iba't ibang reaksyon mula sa mga netizens. Karamihan ay nagngingitngit sa galit sa ginawa ng konduktor sa estudyante. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"ANG KAPAL NG MUKHA NYAN! GRABE! pero lagi mo tandaan jo, mas dapat tayong may mga pinag aralan ang iintindi sa mga HINDI MARUNONG UMINTINDI, At sumunud sa batas! Gigil ako!"

"makapag comment nman ung iba na DOS LNG ?. hahaha sge Let say na barya nga Lng un , ang point dto ! Is binastos sya ? Tama ba nman na pababain kna Lng kase napikon sya sau ? MY GOD gising ho sa nag comment ng pa-easy2 Lng dyan , wow ahh ? Sa inyo kaya mangyare yan ? ManiwLa ako na kaLma Lng kau ? LaLo na kapag nabastos kau? hanggat hinahayaan Lng yan , aabuso yan ng aabuso , GISING!"

"Pwede mo yan ireklamo sa LTFRB bibi. Hindi tama yun na pinapababa ka niya!! Dapat maturuan ng leksyon ang abusadong konduktor na yan hayysss"

"JOAN kung ako sayo ipa Tulfo nayan.... Pwede NGA sa MAG COMMENT ISIPIN NYO MUNA HA HINDI PO DAHIL SA 2 PESOS ANG PINAG LALABAN DITO.....BASA BASA DIN NG MAIGE"

"Dapat na pic din ung plate number .. kainis un aa .. kung ako yan sinampal ko na yan !!!! Ganda ka !? Bastos ka !! Hayyy naku .. dapat ipakuling cia .. bobo ata cia ee .. wawa sayo ate gurl .. dka bagay sa earth .. pero hayaan mo na cia makitid kase utak nia !"

This episode is dedicated to a very important issue – the safety of our children. Filipino Kidnapping Social Experiment: Are Your Children Safe? | HumanMeter on KAMI Youtube channel.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica