9 na mga artista at personalidad, sumulat sa mga senador patungkol sa anti-discrimination bill
- May ilang artista ang dinaan sa pagsulat sa mga senador ang kanilang suporta sa SOGIE bill o anti-discriminatioon bill
- Iba't iba ang kanilang paraan para ipakita sa suporta sa SOBIE bill na makikita sa kanilang mga social media pages
- Nangunguna sa mga ito sina Anne Curtis, Heart Evangelista, Joey Mead, Karen Davila at Iza Calzado
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Parami na ng parami ang mga sumusuporta sa pagpapatupad ng SOGIE o (SexualOrientation Gender Identity and Expression) Equality Bill.
Nalaman ng KAMI na tila na-tengga na ang bill na ito sa senado noong Setyembre pa ng nakaraang taon.
Dahil dito walang humpay ang mga maiimpluwensiyang artista sa pagpapadala ng mga online messages sa mga senador lalong lalo na kay Senate President Vicente 'Tito' Sotto at sa mga senador na di sumasang-ayon sa bill na ito gaya ni Sen. Manny Pacquiao at Sen. Joel Villanueva.
Sa pamamagitan ng #LoveIsAllWeNeed naisusulat ng mga artista na ito ang mga panawagan nila hinggil sa pagpapasakatuparan ng SOGIE bill.
Narito ang ilan sa kanilang mga naibahagi nang post tungkol dito:
Ang SOGIE bill ay naaprubahan na ng house of representatives ngunit naantala na pagdating sa senado.
Naglalayon ang bill na ito na magkaroon ng proteksyon ang mga LGBTQIA community at magkaroon din ng patas na prebilihiyo lalo na sa pampublikong mga lugar at maging sa trabahong nais nilang pasukin.
This episode is dedicated to a very important issue – the safety of our children. Filipino Kidnapping Social Experiment: Are Your Children Safe? | HumanMeter on KAMI Youtube channel
Source: KAMI.com.gh