7 Things! Mga bagay na nais ng mga OFW na malaman ng kanilang pamilya bago sila umalis
Isang OFW na nagtatrabaho ngayon sa United Arab Emirates (UAE) ng dalawang taon na ang nagbahagi ng mga bagay na ito.
Sa loob ng 2 years ay nakita na niya ang mga samu't saring kwento tungkol sa mga buhay ng kapwa niya OFW at mga epekto nito sa relasyon at kanilang mga pamilya.
Kaya naman ay nailista niya ang pitong mga bagay na ito dahil sa pagtanto niya sa mga pangyayari na kanyang nakikita o nadadanas.
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Unang bungad niya sa kanyang artikulo na pinabulished sa Dubai OFW website, inilahad niya ang kauna-unahang rason kung bakit nag-aabroad ang isang Pinoy na katulad niya at ito nga ay para sa kaniyang pamilya.
Ayon pa sa kanya, sa dalawang taon na naging expat(expatriate) siya ay marami na siyang mga kwento na naririnig sa kanyang mga kapwa OFWs.
Saad pa niya, sa pagbasa ng KAMI sa kanyang kwento, mayroon daw higit sa 700,000 na mga Filipino na nagtatrabaho sa United Arab Emirates(UAE).
Lahat naman daw ay may kani-kanilang istorya pero isa lang naman talaga ang rason kung bakit sila nag-aabroad at ito ay ang makapagbigay sa kanilang mga pamilya.
Subalit, sa pagnanais na maka-abroad at tumulong, hindi maiiwasan na marami na ding mga pamilya at relasyon na nasira at nawasak, at mayroong iba naman na tila hindi alam na successful sila sa kanilang tinahak na landas.
Kaya ngayon, napagtanto niya ang pitong mga bagay na ito na sana daw ay nalamang ng kanilang mga pamilya bago pa man sila umalis.
1. Huwag umano magalit kapag hindi nila naibibigay sa inyo kung ano ang gusto ninyo sa oras.
Sambit niya, gusto daw niya at ang kaniyang kapwa OFW na bigyan lahat ng kanilang pamilya at mahal sa buhay ng lahat ng gusto nila.
Ngunit, kahit gugustuhin nila ito ay mayroon din silang ibang mga responsibilidad na kailangan ding tutukan kagaya ng pagbabayad ng kanilang renta sa bahay at sa kanilang pamilya din.
Kahit gustuhin nila mag waldas para sa pamilya ay hindi talaga nila afford.
2. Magpakita daw ng pasasalamat sa pamamagitan ng pagsasalamat at paggawa ng mabuti sa iyong pag-aaral.
Nagbibigay daw ito ng magandang motibasyon o pagganyak sa kanila para kumayod ng kumayod sa araw-araw na gawain nila sa trabaho.
3. Magpahayag ng interes sa kanila kapag umuwi sila, kahit wala silang sapat na pera para igastos o gugulin kapag lumalbas.
Pagbahagi niya, kapag daw umuwi sila sa kanilang karapat-dapat na bakasyon ay pahintulutan umano silang tamasahin ang kanilang isang buwan kasama kayo.
Pagdidiin pa niya na sa higit na 700,000 na OFW sa UAE, 90% daw nito ay gustong makasama ang kanilang mga pamilya at mahal sa buhay.
Huwag daw iparamdam sa kanila na masaya ka lang sa mga regalo na bigay nila dahil gusto nila na maka-spend ng much quality time sa kani-kanilang pamilya para naman daw maibsan ang kanilang pangungulila pag sila ay bumalik na naman para magtrabaho.
4. Kainin din daw ang pagkain sa mesa.
Inuulit ng mga OFW na paalaala, kainin ang pagkain sa mesa.
Hindi daw alam ng kanilang mga pamilya ang mga kinakain ng mga OFW sa ibang bansa isang Linggo bago pa ang sahod.
5. Maniwala ka sa kanila.
Bigyan daw ng pagkakataon sila na gawing maayos ang kanilang buhay sa ibang bansa.
Mayroon umano mga OFW na medyo pasaway dati at gustong baguhin ang kanilang buhay sa pamamagitan sa pagtatrabaho sa ibang bansa.
Imbis daw idiscourage sila ay bagkus suportahan sila at maniwala na kaya nila ito at magiging successful sila sa buhay.
6. Huwag daw silang kalimutan lalo na sa mga pili at ilang espesyal na okasyon.
Ilang okasyon na ba daw ang namiss nila na kasama ang kanilang mahal sa buhay at nakalimutan silang igreet.
Isang simple na greeting lang, gaya ng "Happy Birthday," o "Merry Christmas" ay magbibigay kaligayahan daw sa kanila lalo na sa oras ng kalungkutan at pangungulila.
7. Huwag umano sila ikumpara o ihambing sa ibang OFW na nakakamit ng isang kayamanan ng tagumpay.
Lahat naman daw tayo ay mayroong iba't ibang interpretasyon ng success o tagumpay.
At iba iba din naman ang mga sitwasyon ng bawat tao, kaya naman daw huwag magkumpara.
Here’s some brain exercise for you. Have you ever been in a situation when you can see two or more things in one image? Here’s a fun way of exercising your brain and sense of sight with our “What do you see?” social experiment. So, what do you see?
Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel
Source: KAMI.com.gh