Ina, sinalaysay kung paano nakaligtas ang anak na nakalunok daw ng lobo

Ina, sinalaysay kung paano nakaligtas ang anak na nakalunok daw ng lobo

- Labis ang pag-aalala ng facebook user na mommy na si Marie Antonette Ho nang malaman niyang nakain daw ng anak niya ang lobo na pinaglalaruan nito

- Sinalaysay ni Marie ang buong pangyayari na maari talgang kumitil sa buhay ng anak kung di naagapan o nagawan ng nararapat na aksyon

- Aminado siya na magsisilbing leksyon ito sa kanyaat sa iba pang mga nanay na wag na wag nang bibigyan ng kung ano anong bagay ang kanilang sanggol

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Viral ngayon ang post ng isang mommy na si Marie Antonette Ho kung saan sinalaysay niya ang isang pangyayari na muntik nang bumawi sa buhay ng kanyang sanggol kung di nalunasan ng maayos.

Nalaman ng KAMI na pinalaro daw ni Antonette ang lobo sa kanyang baby nang wala pang 3 minuto ay bigla nalang itong nawala.

Hinanap daw talaga ito ni Antonette at nagtataka siya at kanyang asawa na kung ito ay nalunok ni baby, bakit di manlang ito nabulan.

Agad na siyang dumulog sa kanilang pedia upang maaksyunan agad ang nangyari sa baby. Sabi ng kanilang pedia npakainin ng papaya at painumin ng painumin ng gatas ang baby para ito ay makadumi at mailabas ang lobo sakaling nalunok niya talaga ito.

Ginawa naman ito ni Antonette ngunit nang dumumi ang kanyang baby, wala parin ito. Labis na itong kinabahala ng mommy dahil ayon parin sa doctor, sa loob ng 48 na oras at di pa ito nailabas, ct scan o x-ray na si baby para makita kung na saan na ang lobo.

Dahil dito, labis paring nag-alala si Antonette kaya naman nag-research na rin siya sa katulad na kaso ng kanyang anak. Mas lalo pa siyang natakot dahil nalaman niyang maaring ikamatay ito ng baby sakaling di mailabas kaya naman walang humpay ang dasal niya.

Di pa rin siya tumigil sa pagpapakain ng papaya ay pagpapa-dede sa anak. Laking gulat niya ng dumumi ulit ito, nakita niya ang lobo na buo pang nailabas ni baby.

Laking pasalamat niya at maayos pa rin ang lagay ng kanyang anak. Magsisilbing aral na raw talaga ito sa kanya na di dapat kung ano ano ang pinalalaro lalo na sa mga sanggol pa lamang.

Sinabi rin niya na maging leksyon din ito sa mga mommy na tulad niya.

This awkward phone call leaves a bunch of strangers from the Philippines shocked and surprised. Are you interested to find out what the phone call is about? Awkward Phone Call Public Prank: The Funniest Reactions Ever | HumanMeter on KAMI Youtube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Pamilyang Pinoy, naipit sa isang department store shootout sa Las Vegas!

Pamilyang Pinoy, naipit sa isang department store shootout sa Las Vegas!

Pamilyang Pinoy, naipit sa isang department store shootout sa Las Vegas!
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel