Away na 'to! Eric John Salut, binash nang todo matapos tawaging "tamad na Senador" si Manny Pacquiao

Away na 'to! Eric John Salut, binash nang todo matapos tawaging "tamad na Senador" si Manny Pacquiao

- Naglabas ng mga maaanghang na pahayag ang publicist at blogger sa kanyang Twitter account laban sa Pambansang Kamao si Manny Pacquiao

- Aniya, hindi raw siya 'proud' sa pagkapanalo at mas dini-diyos pa raw ang iba kaysa ipagtanggol ang diyos ng mga Kristiyano noong kasagsagan ng mga patutsada ni PRRD sa Katolisismo

- Inulan ng mas maaanghang na pambabash ang nasabing blogger nang mas maging 'proud' ito umano kay Matthysse at sa iba pa nitong mga mapanirang pahayag laban sa boksingero

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Kasagsagan ng labang Manny Pacquiao vs. Lucas Matthysse, noong July 14, hindi napigilang mag-Tweet ng blogger at ABS-CBN publicist na si Eric John Salut ng mga matitinding pahayag laban sa Pambansang Kamao.

Nalaman ng KAMI na ang nasabing blogger ay may hinanakit sa boxer sa kadahilanang hindi raw nito naipagtanggol ang diyos ng mga Kristiyano sa kalagitnaan ng kontrobersyang kinasangkutan ni Pangulong Duterte sa mga birada nito sa simbahang Katolika.

Sa kanyang unang naging pahayag sa Twitter, ipinarating ni Salut ang pandidiri, "Yikes! Kadiri! Panalo yung pinakatamad na Senador!"

Ayon sa Twitter post ng publicist, wala raw dahilan ang mga kababayan natin na maging proud sa Pambansang Kamao dahil sa pananahimik nito noong binabalahura raw ni Du30 ang diyos ng mga Kristiyano.

Dagdag pa niya, mas ipinagmamalaki pa niya ang karangalang naibibigay ni Lea Salonga at TNT singers kaysa sa mga pinaghirapan ni Pacman.

Sa iba pa niyang posts, tila naging sarcastic umano ang blogger nang sabihing, "Proud of you, Matthysse." Hindi pa nagkasya ang blogger dito at tinawag pang "pinakabobong Senador" si Manny. Sinabi pa ni Salut na huwag raw siyang diktahan sa mga post niya.

Samantala, maraming netizens ang 'di napigilang maglabas ng sama ng loob ukol sa isyu. May mga nagsasabi na mali raw ang pambabastos ni Salut kay Pacquiao sa mga naging pahayag nito, ayon sa report ng Fashion PULIS.

"Ay pinakatamad? Totoo b? Ang laki ng galit ano kaya naambag s lipunan? Ang layo ng issue s boxing at s sinsabing dyos n issue my goodness pinoy talaga...."

"Sus Eric, ansayang magbasa ng mga replies sa tweet mo. Kung ikaw ay nagpapakabanal, sana nga hindi ka isa sa mga may ginagawang panlalamang sa kapwa mo."

Mayroon namang iba na ramdam daw nila ang galit niya, at maaaring ito'y pumusta kay Mathysse.

"Pumusta yan kay Matthysse cguro..feel na feel ko ang galit niya."

Inulan din ng pambabash ang blogger sa kanyang mga naturang pahayag sa Twitter.

Meron din namang nagsabi na hindi raw niya dapat gamiting ang pagiging isang publicist sa mga mapanirang pahayag na maaaring makasira sa career nito.

Si Manny "Pacman" Pacquiao ay isa sa mga sikat at hinahangaang "World Octuple Champions" sa larangang ng boksing. Matapos ng kanyang mga panalo at ilang pagkatalo, inihalal ang boksingero noong June 2016 sa Senado na kabilang sa labindalawang bagong inihalal noong nakaraang eleksyon.

Si Eric John Salut ay isa sa mga sikat na blogger at promoter ng ilang malalaking programa ng Kapamilya Network ABS-CBN sa social media at iba pang platforms.

POPULAR: Read more about Manny Pacquiao here

Tayo'y maiba naman, nagtanong ang aming pangkat sa mga Pinoy ng kanilang unang makikita sa larawan sa video. Ikaw, ano ang iyong makikita? Panoorin ang nasabing video sa ibaba - Sa KAMI HumanMeter!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Jelo Medina avatar

Jelo Medina