'Walk of Shame' mayor ng Tanauan, Batangas binaril, patay habang nagfaflag ceremony
- Kani-kani lang binaril, patay ang mayor ng Tanauan, Batangas na si Antonio Halili habang ginaganap ang flag ceremony
- July 2, Monday, kaninang umaga lang sa flag ceremony si Mayor Antonio Halili na mas nakilala sa kanyang 'anti-crime crusade' ay binaril, patay, ayon sa police
- Ayon pa sa balita, habang pinamumunuan ng mayor ang flag ceremony ng naturang siyudad ay bigla itong binaril sa dibdib at diniklarang 'dead on arrival' at 8:45 a.m.
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Sa balita na nakuha namin sa CNN Philippines website,habang ginaganap ang flag ceremony ng nasabing lungsod ng Tanauan sa Batangas ay bigla nalang may nagpaputok ng baril.
Isang netizen na nagtatrabaho pa la sa 'LGU Tanauan City' ang nakakuha ng video habang ginaganap ang naturang flag ceremony nang may biglang nagpaputok ng baril.
Pinost niya ito sa kanyang Facebook page.
Hindi na nakita kung ano ang nangyari pero ayon kay Superintendent Chitadel Gaoiran ng Calabarzon police public information office chief, binaril daw sa dibdbi ang nasabing mayor.
Ito ay naganap, na ayon na din sa putok na maririnig sa video ng netizen, habang kumakanta na ang mga empleyado ng city hall ng lungsod ng Lupang Hinirang.
Napag-alaman ng KAMI na isang doktor daw ng 'CP Reyes Hospital' ang nagpronounced ng 'dead on arrival' ang mayor sa oras 8:45 a.m.
Dahil dito, isang regional special investigation task group ang nabuo na daw para tingnan ang nakakagulantang at nakakapanlumng pagpatay sa mayor, ayon pa daw kay Director General Oscar Albayalde.
Kinundena ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang pagpatay kay Mayor Antonio Halili at pinuri ang alkade bilang isang kaalyado ni Pangulong Rodigo Duterte.
Ayon pa kay Roque,
"Kinukundena natin itong pagpatay kay Mayor Halili ng Tanauan. Siya ay isang napakatibay na kasangga ng presidente sa gyera laban sa droga. Siya po ay napakahusay na aklakde. Kawalan po ito,."
At siya ay nanumpa na 'justice will be served.'
"Nangangako po tayo sa pamilya at constituents na bibigyan natin sila ng katarugan. Iimbestigahan at paparusahan ang mga tao na nasa likod nito."
Si Mayor Antonio Halili ng Tanauan, Batangas ay gumawa ng ingay sa mga headlines ng news' outlets dahil sa kontrobersiya ng kanyang "walk of shame" campaign laban sa mga illegal na bawal na gamot.
Sa nasabing campaign ay pinaparada niya ang mga suspects ng mga involved sa bawal na gamot sa buong paligid ng lungsod na suot-suot ang placards na nagsasabing:
"Ako'y pusher. Wag tularan."
Dahil dito ay tinitingnan ni Albayalde ang motibo sa pagpatay sa alkade na diumano'y posible na konektadosa kanyang "walk of shame' drive.
Ayon pa daw kay Albayalde:
"Marami rin sigurong nasaktan at napahiya ang 'Walk of Shame."
Sa ibang bahagi, na isang malaking kontrobersiya din, isang social experiment ang ginagawa kung saan pinapakita kung ano ang mga reaksyon ng ating mga kababayan sa isang gay couple na pinapakita ang kanilang love sa public.
Watch more HumanMeter videos on YouTube
Source: KAMI.com.gh