Malakas ang loob! 12 Pinay celebrities na winners sa pagdadala ng kakaibang hair colors

Malakas ang loob! 12 Pinay celebrities na winners sa pagdadala ng kakaibang hair colors

- Ito ang ilan lang sa mga artista sa industriya na petmalu at lodi sa pagdating ng pagdadala ng kapansin-pansin na kulay ng buhok.

- Sila ay kilalang Kapuso at Kapamilya celebs na napa-wow sa pagkawild o bright ng hair colors.

- Ating silipin kung sinu-sino ang mga artistang ito na matapang na sinubukan ang striking hair colors.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kung kayo ay nalilito kung anong hairstyle ang sunod ninyong subukan at kung mahilig naman kayo mag-adventure sa iba't ibang klaseng mga uso sa buhok, gupit o kulay, ay maaari kang makakuha ng inspirasyon sa listahan na ito na binahagi ng 'GMA News.'

Ito ang labindalawa sa nakaagaw pansin sa KAMI sa mga artistang nalista.

12. Isabelle de Leon

Isa radaw sa mga mangarap ni Isabelle de Leon ay magkaroon ng rose gold hair at talaga namang tinotoo at ginawa nga naman niya.

Hindi lang ito ang kulay na sinubukan niya.

Makikita sa kanyang Instagram ang iba't-ibang uri ng kulay at style ng kanyang buhok na ginawa niya.

11. Thea Tolentino

Isa sa mga paboritong kontrabida sa Kapuso series ay si Thea Tolentino at gaya na din sa paggawa ng mga villain na roles ay matapang din sumubok ang aktres ng ibang kulay ng buhak.

Ginulat at pinahanga niya ang lahat sa kakaibang halo ng pula at kahel ombre na kulay na buhok.

10. Gabriella Loyzaga Gibbs o Gabs Gibbs

Ang mga anak nina Janno Gibbs at Bing Loyzagaay tila nahihilig sa fashion at si Gabs ay hindi tako na magtry ng iba't-ibang looks.

Kinulayan na niya ang kanyang buhok ng ibang kulay at isa nga rito ay kulay green.

9. Janie de Belen

Masasabing isa si Janice de Belen sa pinakacool at trendy moms ngayon.

Hindi makakaila sa mga pictures niya sa kanyang IG.

Makikita na mahilig magtry din ang beterana at batikang aktres ng iba't ibang kulay ng buhok gaya na lang ng silver and blue pixie cut.

8. Kyline Alcantara

Ang La Nueva Kontrabida naman sa Kambal Karibal ay KPop vibes naman ang pinili sa kanyang lilac wavy curls.

7. Andi Eigenmann

Matapang din si 'Agua Bendita' star sa pagkukulay ng kanyang buhok at isa nga rito ay pagkulay nito ng dalawang shades.

6. Rhian Ramos

Isa si Rhian Ramos ang may pinakamagandang mukha sa showbiz, may makeup man o wala.

Kaya naman kahit anong kulay ng buhok niya ay wala pa rin kupas ang ganda niya pero sa kulay ng buhok niyang ito, biro pa niya na hindi niya alam kung ano ang kulay nito.

5. Arci Munoz

Isa din si Arci Munoz sa maraming artista ngayon ang matapang na mag-explore ng kahit anong kulay ng buhok kagaya na lang sa litrato sa taas.

Ika nga niya, hashtag 'Violet hair maiden.'

4.Yeng Constantino

Isa din ang pop-rock singer-songwriter na si Yeng Constantino ang mahilig magchange ng kanyang look lalo na sa kulay at ayos ng buhok.

3. Pia Wurtzbach

Hindi din nagpahuli sa uso ang '2015 Miss Universe' na si Pia Wurtzbach sa pagpakakulay ng buhok.

From black hair to 'atomic blonde.'

2. Vice Ganda

Si Vice Ganda ay isa sa mga pinakamatapang na artista ngayon na sinusubukan lahat ng pwedeng ma trend at winner naman talaga siya dito.

1. Sandara Park

Bilang isang Korean Pop superstar, hindi nakakagulat kung papalit palit ng hairstyle at haircolor si Sandara Park.

At sa ibang dako, tinanong ang ating mga kababayan kung sang-ayon ba sila na gawing legal ang divorce sa ating bansa, tingnan at pakinggan ang kanilang mga reaksyon at sagot.

Watch more videos on HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Palace says President Duterte will resign if he is ‘dying’ or ‘gravely ill’

Palace says President Duterte will resign if he is ‘dying’ or ‘gravely ill’

Palace says President Duterte will resign if he is ‘dying’ or ‘gravely ill’
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel