10 na mga kontrabida na minsan nating kinainisan

10 na mga kontrabida na minsan nating kinainisan

Sabi nga ng sikat na kontrabida ng mga pelikulang Pilipino na si Bella Flores, "Walang Bida kung walang kontrabida"

Narito ang sampung kontrabida na nakalap ng KAMI na minsan nating kinainisan dahil sa epektibo nilang pagganap ng kanilang papel.

10. "Vera Cruz": Angel Aquino (Magkaribal, 2010)

Sinong mag-aakala na ang maamong mukha ni Angel na gumanap bilang si Vera ang siyang magiging kontrabida sa buhay ni Victoria na ginampanan ni Gretchen Barretto

9. "Clara Del Valle" Gladys Reyes(Mara Clara, 1992-1997)

Isang ultimate brat ang ganap ni Gladys Reyes sa isa sa pinakatumagal na teleserye sa bansa ag Mara Clara. Aminin man natin o hindi, minsan nating inisip na sabunutan si Clara para maiganti si Mara na ginampanan naman ni Judy Ann Santos.

8. "Angelica Santibañez" Katrina Halili (Marimar, 2007-2008)

Isa sa maituturing na epektibong kontrabid ng kanyang henerasyon si katrina Halili. Noon ay halos kakatapos pa lang ng Starstruck, pinasok niya ka agad ang pagiging kontrabida na bumagay naman sa kanya.

7. "Sally Concepcion" Mylene Dizon (Sa Dulo ng walang hanggan,2001-2002)

Si Sally ang minsang nagbigay irita sa atin dahil sa paghihiganti niyang ginawa sa inosente naman na si Angeline (Claudine Barretto)

10 na mga kontrabida na minsan nating kinainisan

image: Abs-cbn news

6. "Miss Minchin" Jean Garcia ( Sarah, Ang Munting Prinsesa/1995)Malamang ilang beses niyo nang ginamit ang 'Miss Minchin' bilang pangalan ng kontrabida sa buhay ninyo. Ganun naging ka-epektibo ang karakter na ginampanan ni Jean Garcia sa pang-aapi niya kay Sarah na ginampanan naman ni Cammille Prats

5. "Dr. Valentina Vrandrakapoor" Celia Rodriguez (Lipad, Darna, Lipad! 1973)Nakatatak na sa atin na ang isa sa kotrabida sa buhay ni Darna ay si Valentina. Naging kilala ang beteranang aktres sa pagganap niyang Valentina.

10 na mga kontrabida na minsan nating kinainisan

image: FB/memories of old Manila

4. "Doña Brigida "Mamita" Espero" Liza Lorena (Maria Flordeluna, 2007)Pahirap sa buhay ni Flordeluna (Eliza Pineda) ang kanyang malupit na step-grandmother na si "Mamita".

3. "Lavinia Arguelles" Cherie Gil (Bituing Walang Ningning,1985)

Sino ba namang makakalimot sa popular na linya ni Lavinia na "You're nothing but a second rate, trying hard copycat!" sabay saboy ng tubig sa Megastar na si Sharon Cuneta. Hanggang ngayon mabenta pa rin ang linyang iyon.

2. "Madame Claudia Buenavista" Jean Garcia ( Pangako Sa'yo, 2000-2002)Nangangahulugan lamang na talagang epektibong kontrabida si Jean Garcia dahil bukod sa pagiging si Miss Minchin, Tumatak na rin sa atin ang karakter niyang si Madame Claudia.

1. "Selena Pereira-Matias" Princess Punzalan (Mula Sa Puso, 1997-1999) Sinong makakalimot nang pasabugin ni Selena ang bus na pinaniwalaang sakay si Via (Claudine Barretto) habang siya ay tumatawang ala demonyo sa tuwa. Hanggang ngayon ay marami paring meme ang kumakalat dahil sa eksenang ito.

Imagine you’re sitting in the park, relaxing and enjoying your day, when a young couple comes to you. They look like they are in love. The guy gives you his cell phone, asking to take the call and tell his wife he is at the meeting. You understand that he is cheating on her. What will you do?

Philippines Social Experiment: Who Will Help You Cheat On Your Wife? | HumanMeter on KAMI Youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Hashtag no excuses! Manny Pacquiao at Floyd Mayweather nagpang-abot sa Tokyo

Hashtag no excuses! Manny Pacquiao at Floyd Mayweather nagpang-abot sa Tokyo

Hashtag no excuses! Manny Pacquiao at Floyd Mayweather nagpang-abot sa Tokyo
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel