Iya Villania, hands-on mom pagdating sa anak na si Antonio Primo

Iya Villania, hands-on mom pagdating sa anak na si Antonio Primo

- Aktres at TV host na si Iya Villania, magaling magturo sa anak

- Primo, marunong ng kumain mag-isa

- Ipinakita din ni Iya ang kakulitan ng anak sa kanilang bahay

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Marami ang pumuri sa pagiging hands-on mom ni Iya Villania kahit na ito ay malapit nang manganak. Sa kanyang Instagram account, araw-araw niyang pinapakita ang panganay na anak na si Primo lalo na kapag ito ay kumakain mag-isa. Kahit bata pa lamang, alam na nito ang tamang paghawak ng kutsara at tinidor habang kumakain.

Ayon sa bidyo, nakikitang kumakain ang anak ni Iya na si Primo nang mag-isa. Tila hindi nahihirapan ang bata sa pagkain nito at sarap na sarap. Kahit na magdadalawang taon pa lang si Primo, bihira nito malaglag ang pagkain at hindi na nagpapasubo pa.

Marami ang nagtatanong kung paano nga ba ito ginagawa ni Iya. Sabi ng aktres, hinahayaan lang niya ang kanyang anak na i-explore ang mga bagay at pinapakain kung ano man ang kinakain din nila sa bahay. Mahilig si Primo sa gulay, sabaw, at prutas na bihira sa batang kasing edad niya lamang.

Nakita din sa bidyo ang kakulitan ni Primo na kung saan ang kanyang mukha ay puno ng tinta ng marker na nagpatawa sa kanyang ina.

Si Iya Villania ay isang aktres at TV host. Nakikita siya ngayon sa Lip Sync Battle Philippines Season 2 kasama si Michael V. Ipinanganak niya si Antonio Primo Arellano noong Agusto 30, 2016 at sa ngayon ay hinihintay na lang na lumabas ang pangalawa nilang anak ng asawa na si Drew Arellano.

Panoorin kung paano kagaling kumain at kakulit sa bahay si Primo dito:

Masarap kumain pero ang kaakibat nitong epekto ay mahirap tanggalin. Samahan si Sam sa kanyang pangatlong linggo ng fitness challenge at alamin kung anu-ano na ang nagbago sa kanyang katawan. Maging una pagdating sa mga bagong balita, nakakatuwang videos, at nakakaantig ng puso na mga kwento kaya ditto ka lang sa BeKami Youtube Channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
"Kung kabet ka nga, sana hindi ka na magrecruit," Jade at Marissa, natameme!

"Kung kabet ka nga, sana hindi ka na magrecruit," Jade at Marissa, natameme!

"Kung kabet ka nga, sana hindi ka na magrecruit," Jade at Marissa, natameme!
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel