Good news! Todo-yakap ang ina ng batang dinukot sa Makati na natagpuan sa Zambales

Good news! Todo-yakap ang ina ng batang dinukot sa Makati na natagpuan sa Zambales

- Isang masayang balita dahil ang bata na dinukot sa Makati na si Tracy ay natagpuan na sa Zambales.

- Ayon naman sa balita na nakuha namin sa 'ABS-CBN News,' na dahil sa tuwa ay todong niyakap at hinalikan ng ina na si Micah Obasan ang kanyang isang taong gulang na anak matapos maibalik ito sa kanya.

- Nalaman din namin na simula noong nasunugan ang mag-anak sa Pasay City noong isang taon ay sa kalye na daw ito natutulog sa nasabing siyudad kung saan dinukot daw ang anak nila.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ayon sa balita, dahil na din sa tulong ng social media ay nakilala ng mga residente ng San Antoni sa Zambales ang nawawalang bata na si Tracy.

At dahil dito nalaman ng KAMI na ibinalita daw ito agad sa mga magulang ni Tracy.

"May nakakita, sabi ito ba 'yung hinahanap na bata? So from Zambales, 'yung mga pulis kinonfirm kung siya nga. 'Yung mag-asawa pumunta rin sa barangay at kinonfirm nila, 'yun nga ang anak nila."

Ito ay ayon sa pinuno ng 'Women and Children's Protection Desk' sa pulisya sa Makati City na si Senior Inspector Editha Cantano.

Dahil dito ay walang masidlan sa kasiyahan ang mga magulang ni Tracy at nabunutan na sila ng tinik ng malaman na ang kanilang nawawalang anak ay nakita na at nasa mabuting kalagayan ito.

Pero kahit kailanman aw ay hindi sila tuluyang nawalan ng pag-asa na makikita nila ang ang kanilang bunsong anak.

Saad ni Micah Obasan:

“Masaya sa pakiramdam. parang himala kasi po marami po kaming nababalitaan na mga bata nawawala...Alam po namin na feeling namin na may pag-asa kasi dasal po kami nang dasal, kapit lang."

Matatandaan na noong linggo ng bandang alas sais ng umaga ay nadiskubre ng mga magulang ni Tracy na nawawala ang kanilang bunsong anak.

Ayon sa kwento ng ina:

"Di po ako mapakali. Di ko alam kung saan ako pupunta."

Sa kuha ng CCTV noong panahon na yon ay may isang babae na hindi nila kilala na naglakad malapit sa lugar kung saan ang bata ay nawala.

At makikita na may bitbit na itong bata sa parehong oras din na nawala si Tracy.

Pero hanggang ngayon daw ay blangko pa rin ang pulisya kung paano napadpad sa Zambales ang bata at bakit napunta doon at kung sino ang nagdala sa kanya sa lugar na iyon.

Hay, at least may good news

For more good vibes, watch the video below

Watch more inspiring videos on BeKami YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Hashtag no excuses! Manny Pacquiao at Floyd Mayweather nagpang-abot sa Tokyo

Hashtag no excuses! Manny Pacquiao at Floyd Mayweather nagpang-abot sa Tokyo

Hashtag no excuses! Manny Pacquiao at Floyd Mayweather nagpang-abot sa Tokyo
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel