Claudine Barretto ibinunyag ang sikreto sa likod ng kanyang hindi kumukupas na kagandahan

Claudine Barretto ibinunyag ang sikreto sa likod ng kanyang hindi kumukupas na kagandahan

- Ibinahagi ni Claudine Baretto ang kanyang epektibong beauty secret

- Netizens namangha sa beauty secret ni Claudine na talagang nagpatunay ng kanyang kagandahan

- Pinakita ni Claudine ang mga produkto na kanyang ginagamit para sa kanyang kutis

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ipinakita ng aktres na si Claudine Barretto sa kanyang Instagram live ang kanyang beauty secret na talagang nagbigay alaga sa kanyang mukha at kutis. Ipinasilip din nya ang mga beauty regimens na araw-araw niyang ginagamit upang mapanatili ang kanyang kagandahan.

Ipinakita ni Claudine ang gamit niyang Portable RF na kung saan ginagamit niya ito upang mawala ang tinatawag na “signs of aging” gaya ng kulubot na balat, tigyawat, at pekas. Ibinahagi din niya kung anong moisturizer ang kanyang gamit araw-araw pagkatapos niyang maligo

Gamit ang Portable RF, ipinakita niya kung paano gamitin ang produkto pagdating sa mukha at leeg. Sa kanyang IG live, maraming netizens ang sumubaybay at natuwa sa simple nyang paraan ng pagpapanatili ng makinis at malinis na balat.

Habang nakikipagsalamuha ang aktres sa kanyang mga fans, ipinapakita din nya ang tamang pag gamit ng produkto. Iminungkahi din nya na bumisita sa isang sikat na dermatologist pagdating sa pagpapa-facial.

Masayang ibinahagi ni Claudine ang mga produkto na kanyang ginagamit panglaban sa mga signs of aging kaya naman nananatiling maganda at makinis ang kanyang mukha at balat.

Si Claudine Barretto ay isang sikat na Pinay aktres na unang nakilala sa youth-oriented program na Ang TV. Siya din ay bumida sa Mula sa Puso, ang kanyang kauna-unahang drama sa telebisyon.

Panuorin kung paano panatilihin ni Claudine Barretto ang kanyang kagandahan dito:

Gawing maganda at makulay ang iyong eyeshadow upang makamit ang inaasam na makabighaning mata sa tulong ni Monina. Panuorin kung paano gawing makulay ang simple. Para sa mga updates, breaking at viral news, at masasayang kwento at bidyo, bisitahin lamang ang BeKami Youtube Channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Liz Uy & Raymond Racaza throw star-studded 1st birthday party for their son

Liz Uy & Raymond Racaza throw star-studded 1st birthday party for their son

Liz Uy & Raymond Racaza throw star-studded 1st birthday party for their son
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel