Pinay, nakangiti na sa larawan kasama ang pinatawad na mister at best friend niyang nagsasama na ngayon

Pinay, nakangiti na sa larawan kasama ang pinatawad na mister at best friend niyang nagsasama na ngayon

- Di naging madali para sa isang pinay na iwan ng asawa na sumama sa best friend pa niya

- Inamin niyang galit na galit siya noon at sinubukan pa ring ipaglaban ang knyang kasal

- Kalaunan ay natanggap na niya na nagmamahalan talaga ang best friend niya at ang kanyang mister at napatawad na ang mga ito kaya hinihiling niya na maipatupad ang divorce sa Pilipinas para makalaya na ang mister sa kapirasong papel ng kanilang kasal

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Wala na sigurong mas sasakit pa isang relasyon kung ang mismong dahilan ng pag-iwan ng sa iyo ng iyong asawa ay ang matalik mong kaibigan.

Gaya na lamang ng isang Pinay na buong tapang na binahagi sa KAMI ang kanyang karanasan kung saan sa dinami-rami pa ng pwede maging ibang babae ng kanyang mister, best friend pa niya.

Para raw pinagsukluban ng langit at lupa ang Pinay na ito noong taong 2012 kung saan bukod sa pag-iwan ng kanyang asawa sa kanya, nagkaroon po ng malubhang sakit ang kanyang ama.

Parehong taon din niya nalaman na di na rin siya magkakaanak kaya naman gumuho talaga ang mundo niya.

Kalaunan, unti unti na niyang natatanggap ang lahat. Napatawad niya ang kanyang mister at ang kanyang best friend kaya naman isa ang Pinay na ito na humihiling na sana maipatupad na ang divorce sa Pilipinas para tuluyan nang magsama ng malaya ang dati niyang mister at bff niya.

Narito ang kabuuang salaysay ng kwento na ito ng pinay na natutong maging masaya, natutong magpatawad at ipagpatuloy ang buhay sa kabila ng napakaraming pagsubok na dumating sa kanya.

Pinay, nakangiti na sa larawan kasama ang pinatawad na mister at best friend niyang nagsasama na ngayon
Source: supplied

April 9, 2018.

Happy 6th yr Anniversary pala sa Asawa ko at sa Close friend ko. Yup tama. Dati galit ako sa kanila at kinamumuhian ko kasi sinira nila ang pamilya ko.. Ang buhay ko... Na halos muntikan na ako magpakamatay dahil di ko matanggap na ang close friend ko pa ang aagaw sa asawa ko... Puro parinig ako dati sa facebook at nagtatanong sa Diyos bakit ako? Lahat naman ng utos sa bibliya sinusunod ko pero bakit ako pa... Sa 3 yrs na pakikipaglaban ko sa babaeng yan... Nag give up na rin ako kasi ginawa ko na lahat...at 3 yrs kang sasabihan ng araw-araw ng asawa mo na hindi ka na mahal... Isang pamilya nga kayo na nasa isang bahay... D naman nagkikibuan o nagpapansinan... Isang pamilyang wala ng Amor.

Ang Pag-aasawa ay parang isang gyera... Masusugatan, makikipaglaban sa mga kalaban, pero Kapag ang kaisa-isang kakampi mo ay iniwan ka at pumanig na sa kabila... Ang choice mo ay Lalaban ka pa ba na mag-isa hanggang ikamatay mo o ililigtas mo ang sarili mo at magpakalayo. Ako pinili ko na iligtas sarili ko. Buhay ko ito at may pamilya pang nangangailangan sa akin.

Everything happens for a reason. Dahil sa nangyari, nakilala ko sarili ko... Dahil sa nangyari, natuto akong maging mapagpatawad at lumaban... Dahil sa nangyari naging malapit ako sa mga kababaihang hindi magkaanak at mga babaeng iniwan ng kanilang mahal...

Dahil sa nangyari naunawaan ko na bakit may mga Ahas at mang aagaw.

Ang mga ahas ang syang instrumento para makita kung gaano katatag ang relasyon nyo. Magkasala man ang asawa nyo dahil sa isang ahas, doon nyo malalaman kung mahal nyo ba ang isa't-isa...

Noon tinanong ko sarili ko... Ano pa ba silbi ko dito sa mundo? Biruin nyo 2012 sabay sabay lahat nangyari sa akin ito... nagkasakit ng malubha at naospital tatay ko, Hindi na daw ako magkakanak sobrang hirap daw, iniwan ako ng asawa ko, tapos ung close friend/secretary ko pala yung kabit. At dahil dun puro negative, bitter at trash talk ako. Unti unti akong iniiwasan ng mga friends ko at nag away kami ng best friend ko. Makakita lang ako ng relationship goals sa fb comment ko "Walang forever. Maghihiwalay din kayo". Sobrang depress ako at nababaliw na. Ganun pala ang pakiramdam kapag wala ka ng inspirasyon, wala ka ng dahilan mabuhay...

Naisip ko na tumalon na lang sa lrt, o sa building... O uminom ng lason... Pero nangibabaw pa rin ang takot ko sa Diyos... Hanggang isang umaga nagising na lang ako... Bakit ko sinisira ang buhay ko? Ako mismo ang sumisira sa buhay ko.. Ako na nga yung talunan, ako pa pinagtatawanan. Ang sarili mo ang syang pinaka importante sa lahat... Kung wala kang bilib sa sarili mo, iniisip mo talunan ka, iniisip mo na wala ng magmamahal sayo, iniisip mo na ang panget mo, iniisip mo na wala kang kwenta... Magiging ganun ka talaga... Kaya binago ko ang mga pananaw na ito. Minahal ko sarili ko, pinatawad ko sarili ko, minotivate ko sarili ko, at inimprove ko sarili ko... Asan ako ngayon? Eto masaya na. Ang kasiyahan mo ay nasa sa iyo...

Ito pala ang patunay na kahit magkahiwalay na kayo ng asawa nyo, kapag MAAYOS ang pag uusap, walang gulo, at may respeto sa isa't-isa... Hindi ito magiging sagabal para sa mga bata.. Hindi ito magiging sagabal para sa kaguluhan ng bawat isa... Ang kasal ay isang kapirasong papel lang. Pero ang kabutihan, pagpapakumbaba, pagpapatawad, pag unawa, compassion, at pagpapalaya ang syang pinaka MATAPANG na gagawin mo sa buhay mo. Biruin mo dalawa na rin mommy nila . Ang tanging hiling ko lang ay makapag move on na kami in a LEGAL WAY para everybody happy. Wala ng tatawag sa amingmga IMMORAL. #DivorcePilipinas

Note: This is a legit picture. That's me smiling. Me, our son, my x, my close friend and their daughter just as today 04/09/2018 Manila Ocean Park ang saya namin di ba. Tanggalin ang Hatred, ang Self pity, ang GANTIHAN.. Tandaan.. Lahat may dahilan at alam ng Diyos kung sino ang gagantimpalaan. Stop hate, moveon na and face the future and the new you.

Sa mga babaeng iniwan diyan, sinaktan at inagawan... Wag po kayo magpapakamatay at hindi ito ang katapusan ng mundo...

dahil darating ang araw na magpapasalamat kayo na nalagpasan nyo ito at ngingitian nyo na lang na buti nangyari sa inyo ito para makilala lalo ang sarili nyo... Ang Problema ay parang blessing in disguise... Kapag nalagpasan mo ito, tatatag ka, magiging wais ka na, mauunawaan mo ang sinasapit ng iba at higit sa lahat magiging mabuti ka. God bless! Share love and peace not revenge.

Are you dreaming about a body that looks like a model but have no idea where to begin your workout? Sam's Fitness Challenge Week 1 (Teaser) | BeKami on KAMI Youtube channel

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica