7 Sikat na Pinay celebrities na nabuntis sa hindi inaasahang pagkakataon

7 Sikat na Pinay celebrities na nabuntis sa hindi inaasahang pagkakataon

Maraming artistang babae ang planado ang pagbubuntis.

Pero meron din namang iba sa kanila na hindi inasahan ang pagkakaroon ng anak.

Ipinakilala ng GMA Entertainment ang ilan sa mga babaeng artista na nabuntis ng hindi inaasahan.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

1. Andi Eigenmann

Si Andi ay nasa peak ng kaniyang career bilang Kapamilya actress nang siya ay mabuntis. Ipinanganak niya si Ellie noong November 23, 2011.

Noong una, si Albie Casiño ang tinutukoy na ama ni Ellie. Napatunayan sa DNA test na si Jake Ejercito pala ang tunay na tatay ng bata.

2. Jennylyn Mercado

Noong 2008, inanunsyo ng Kapuso star at ni Patrick Garcia na magkakaroon na sila ng anak. Nagkahiwalay din ang dalawa at ang partner na ngayon ni Jennylyn ay si Dennis Trillo.

3. Kylie Padilla

Ipinanganak ni Kylie noong nakaraang taon si Alas Joaquin. Noong una, may problema sa pagitan ng tatay niyang si Robin Padilla at ng partner niyang si Aljur Abrenica dahil hindi pa niya pinakakasalan si Kylie.

Ngayong taon, hiningi na ni Aljur mula kay Robin ang kamay ni Kylie para magpakasal sa near future.

4. LJ Reyes

Sa taong 2010 ipinanganak ni LJ si Aki. Ang tatay ng bata ay si Paulo Avelino pero ang partner niya ngayon ay si Paolo Contis.

5. Sarah Lahbati

Pumunta pa sa ibang bansa si Sarah para ipanganak si Zion. Si Richard Gutierrez ang tatay ng bata.

Nagpahinga pansamantala ang aktres sa showbiz para makapag-focus sa anak niya.

6. Valerie Concepcion

16 taong gulang palang siya noong mabuntis. Ang partner niya noon ay isang non-showbiz personality na nagngangalang Jeremy Carag.

7. Katrina Halili

Inamin ni Katrina na ipinagbubuntis niya ang anak nila ni Kris Lawrence noong 2012. Noong maghiwalay sila, si Katrina pa rin ang nag-alaga sa anak nilang si Katie.

Naniniwala ang KAMI na biyaya ang sanggol kahit inaasahan man o hindi inaasahan ang pagbubuntis!

This heart-stopping video proves that there’s still a lot to be done when it comes to keeping women safe in our cities. Social Experiment: Is Manila Safe at Night for Women in 2018? – On KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Netizens react towards new photos of John Lloyd Cruz living a simple life

Netizens react towards new photos of John Lloyd Cruz living a simple life

Netizens react towards new photos of John Lloyd Cruz living a simple life
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel