Netizens, kinilig sa sweet na mensahe ni Jairus Aquino sa girlfriend niyang nagtapos ng high school

Netizens, kinilig sa sweet na mensahe ni Jairus Aquino sa girlfriend niyang nagtapos ng high school

- Nagtapos ng Senior High ang girlfriend ni Jairus Aquino

- Sa University of Sto. Tomas (UST) siya nagtapos

- Kinilig ang netizens sa mensahe ni Jairus para sa kaniyang non-showbiz GF

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ang dating child star na si Jairus Aquino ay nagpakilig ng maraming netizens.

Nalaman ng KAMI na nagbigay ng mensahe si Jairus para sa kaniyang girlfriend na nagtapos ng Senior High sa University of Sto. Tomas (UST).

Ito ay base sa report ng PUSH.

“congratulations, bub!

“sobrang proud ako sayo!

“saksi ako sa mga pinagdaanan mo para ma abot mo kung nasaan ka man ngayon,” sinulat ni Jairus.

May nakakakilig din siyang greeting para sa girlfriend sa birthday nito kamakailan:

“mula nung una nating video call, hanggang sa bago tayo maghiwalay kanina, pareho parin ang tinitibok ng puso ko.”

“masaya ako dahil kahit madami ang nangyari, nakabalik tayo sa kung saan tayo noon. “

“totoo lahat ng laman ng sulat. happy birthday, bub,” pinost ng aktor.

Ito ang reaction ng netizens:

“Ginalingan mo nanaman tsong!! Btw, congratulations @ramosnichole Proud kami sayo”

“Ginalingan mo nanaman @dothejairusaquino hahahahaha i love you both @ramosnichole”

“nilalanggam na ha”

Si Jairus ay nakilala sa teleserye na “Super Inggo” kasama sila Makisig Morales at Kathryn Bernardo.

Lumabas din siya sa “Kung Fu Kids” at “Luv U.”

Kakatapos lang ng onscreen love team nila ni Sharlene San Pedro.

Hanga ang KAMI sa mga estudyante na hindi sinasayang ang kanilang edukasyon!

This heart-stopping video proves that there’s still a lot to be done when it comes to keeping women safe in our cities. Social Experiment: Is Manila Safe at Night for Women in 2018? – On KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel