22 taong gulang na OFW nakapundar na at naka-ipon sa kabila ng hirap na tinamo mula sa kanyang amo
- Sa murang edad ni Jhen Padilla tiniis niya ang lahat ng hirap at lungkot na dala ng pag-aabroad
- Sa loob ng 2 taon, nakaipon at nakapagpundar na siya mula sa paghihirap na kanyang nakamit mula sa kanyang employer
- Inamin ni Jhen na madalas niyang katalo ang kanyang amo ngunit tiniis niyang lahat iyon kapalit ng ginhawa na maaring matamo
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Tunay na masasabing mga buhay na bayani ang mga Overseas Filipino Workers natin na nakikipagsapaaran sa ibang bansa.
Kahit sa paningin natin na mas nakaaangat ang buhay nila sa ibang pangkaraniwang pamilyang pilipino, dumaan naman sila sa matinding hirap at pasakit bago nila makamit ang kaunting ginhawa ng kanilang buhay.
Minsan pa, kahit sa murang edad, kailangan na nilang iwan ang pamilya at maangibang bansa para lamang isugal ang kanilang kapalaran habang nangangarap ng magandang buhay para sa kanilang naiwang pamilya sa Pinas.
Gaya na lamang ng OFW na si Jhen Padilla na 22 anyos pa lang, napilitang iwan ang bagong bago pa lamang niyang buo na pamilya para na rin maagang masimulan ang pagpupundar ng pangarap ng kanyang mahal sa buhay.
Di naging madali para kay Jhen ang mangibang bansa. Nakaranas siya ng paninigaw ng kanyang amo, inamin niyang minsan nakakaway niya ito. Tiniis niyang lahat ng ito para sa binubuong mga pangarap para sa kanyang pamilya.
Narito ang kabuuan ng kwento ni Jhen na binahagi niya sa KAMI na tiyak na kapapulutan natin ng aral at inspirasyon.
Jhen Padilla, 24 years old
HABANG MAY BUHAY MAY PAG-ASA!!!
yan ang lagi kong sinasabi sa sarili ko upang maging matatag at mlampasan ang mga problema sa buhay q..
Sa Pinas msaya,malaya at kasama ang mga mhl ko sa buhay..kompleto ang buhay ko..
Pero dahil minsan nranasan Kong mkapos sa financial, sa kgustuhan Kong mkatulong sa pamilya ko at maingay ang mga pangangailangan ng anak ko..
Taong 22 anyos nagpasya akong mangibang bansa.direct hired dito sa bansang Lebanon...
Dto sa abroad naranas q lahat ng khrapan gaya ng puyat,gutom,na kht may sakit trabaho padin..pero Hindi aq ngpadla sa khrapang yan kundi naging hardwork aq upang maiangat q nman ang pamumuhay q...na kht nranasan Kong cgaw dito,cgaw doon c amo.. laging away kmi ng amo ko..pero d nging hadlang ang lht ng yan upang ako ay sumuko..
Dito sa abroad nranasan Kong magtiis,magtyaga at gmitin ang pera sa tamang paraan..and now am thanks to God d nea aq pnabayaan at nakpundar aq ng bahay at iba pa..nkaipon dn kht papaano...tiis at tyaga lng talaga para sa pamilya ang kailangan upang mlagpasan ang hrap dto sa abroad.
Kalaban ko homesick at madaming luhang bumuhos..
2 months to go uwi na ako sa mhal Kong bansa..npakasaya q dhl mkksma q na ang pmilya q,mkakain ng tama at ang pinaka importante ay mkauwi ng safety at buhay..
dina mahalaga sa akin kung kung konti ang ipon q,.dko na ndin inaasahan ang benefits kung sakali Nang na ibibigay..Basta lahat ng sahod q ibibigay pgkauwi q.
Do you think you will be able to name all of these individuals on the bill? 1000 Peso! Who Are They? Tricky Questions at University of the Philippines | HumanMeter on KAMI Youtube channel.
Source: KAMI.com.gh