Mga anak ni Zsa Zsa Padilla, lahat may na-achieve na na ikaka-proud ng mama nila

Mga anak ni Zsa Zsa Padilla, lahat may na-achieve na na ikaka-proud ng mama nila

- Higit sa isa ang mga anak ni Zsa Zsa Padilla, bagamat si Karylle ang pinaka-popular sa lahat

- Lahat ng mga anak niya ay mga successful na sa kani-kanilang mga careers

- Kitang-kita sa mga larawang ito ang success na natamo na ng mga anak niya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

May tatlong anak si Zsa Zsa Padilla at lahat ay magaganda at talentado pa.

Sila sina Karylle, Zia at Coco. Kilalanin sila.

Karylle

Si Karylle ang masasabing pinakasikat sa lahat dahil siya ay isang artista at magaling na singer.

Siya ang anak ng divine diva sa dating asawa na si Dr. Modesto Tatlonghari.

Nag-debut siya bilang singer noong 2001 at ngayon ay nakagawa na siya ng anim na albums.

Nakatanggap na rin siya ng iba't-ibang parangal tulad ng Best New Female Artist at Most Promising Female Artist.

Siyempre di lang magaling si K sa pagkanta, siya rin ay isang napakagaling na aktres.

Ang kanyang asawa ay si Yael Yuzon, lead vocalist ng bandang Sponge Cola.

Coco Quizon

Si Nicole "Coco" Quizon ay ang adopted nina Zsa Zsa at Dolphy. Siya ay nagtapos ng Anthropology sa University of Melbourne.

Nakapagtrabaho na siya sa isang social media agency at sa isang public relations firm.

Siya ngayon ang brand manager ng eyewear na Sunnies Specs.

Zia Quizon

Si Zia naman ay ang biological daughter nina Zsa Zsa at Dolphy. Sumunod siya sa yapak ng ate niya at ng mama niya sa pagiging singer at ngayo'y may dalawang album na rin siya.

Naging popular ang kanta niyang "Bakit Hindi Ka Crush ng Crush Mo," na ginamit rin sa movie na pareho ang title, starring Kim Chiu.

Nobyo niya ang anak nina Martin Nievera at Pops Fernandez.

Tricky Questions: can you guess who the people on this new 1000 peso bill are? on Kami YouTube channel This video shows that there are only a few people in the country who know exactly who the persons are in our own peso bills.

Source: Kami.com.ph

Related news
Rarampa na! Dalawang Pinay ang kasali sa Asia's Next Top Model Cycle 6

Rarampa na! Dalawang Pinay ang kasali sa Asia's Next Top Model Cycle 6

Rarampa na! Dalawang Pinay ang kasali sa Asia's Next Top Model Cycle 6
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel