Matapos malaman ang resulta ng DNA test, video ng pagtatagpo ng Pinay na ampon ng Belgian couple at tunay niyang ina, nag-viral sa social media

Matapos malaman ang resulta ng DNA test, video ng pagtatagpo ng Pinay na ampon ng Belgian couple at tunay niyang ina, nag-viral sa social media

- Umabot sa 3.8 million views sa loob lamang ng halos 24 oras ang video ng muling pagtatagpo ni Caroline Ven Gils at tunay niyang ina na si Lelia mahayag

- Sumailalim sa DNA test ang dalawa upang makumpirma kung si Lelia nga ba ang tunay na ina ni Caroline na matagal na iyang gustong makilala

- Halos 1 buwang sinumbaybayan sa 'Kapuso mo Jessica Soho' ang kwento ng paghahanap ni Caroline sa kanyang Pinay na ina

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa programang 'Kapuso mo Jessica Soho' ibinahagi ni Caroline Ven Gils ang kanyang kuwento tungkol sa paghahanap niya sa tunay niyang ina dito sa Pilipinas.

Nalaman ng KAMI na si Caroline ay pinaampon ng kanyang ina pagkapanganak pa lamang niya kaya't di na talaga niya ito nakilala.

Siya ay inampon ng mag-asawang Belgian at dinala siya sa kanilang bansa noong siya ay isang taong gulang pa lamang.

Ngunit di maiiwasang mangulila siya sa kanyang tunay na magulang lalo na at di naman nilihim sa kanya ng mga umampon sa kanya na siya ay isang Filipina.

Caroline ang pinangalan sa kanya ng mga umampon sa kanya ngunit Connie Dechino ang tunay niyang pangalan.

Sa kanyang ika-38 kaarawan, niregaluhan siya ng tiket ng kanyang asawa papuntang Pilipinas upang mahanap ang kanyang tunay na ina.

Di naging madali ang paghahanap lalo pa at ibang pangalan at apelyido ang kanyang dinadala.

Naging masalimuot ang kanyang paghahanap ngunit di siya nawalan ng pag-asa.

Sa tulong na rin ng programang 'Kapuso mo Jessica Soho' natunton din ni Caroline ang pnakamalapit na tao na maaring tunay na ina nga niya.

Ito ay si Lelia Mahayag at tila nagkakatugma ang mga impormasyon na nakalap ni Caroline sa mga salaysay ni Lelia.

Para makasigurado, sumailalim sina Lelia at Caroline sa DNA test.

Ngunit dahil may naiwang trabaho si Caroline sa Belgium kinailangan muna niyang umuwi roon at di na niya nahintay pa ang resulta ng DNA test.

Sa KMJS naging emosyonal ang pagkikita muli nina Lelia at Caroline lalo pa at malalaman na nila ang resulta ng DNA test na isinagawa sa kanila.

Narito ang video ng emosyonal na pagkikita nina Lelia at Caroline matapos na malaman na positibo ang DNA test sa kanila.

Sa unang bahagi ng video, nasa isang video chat lamang si Caroline habang si Lelia ay kausap ni Jessica Soho sa pag-alam nila ng resulta ng DNA.

Ngunit nang isiniwalat na ang resulta na 99.99% na positibo ang resulta, sinorpresa ni Jessica si Lelia at pinapasok na ang anak nitong si Caroline na nandito na rin pala utlit sa Pilipinas.

Bumuhos ang luha ng kagalakan ng mag-ina gayundin ang pagyakay ni Caroline sa isa pang anak ni Lelia.

Kasama rin ni Caroline ang anak niya na nakilala rin ng kanyang Lola Lelia.

Walang bahid na galit sa mukha ni Caroline kahit pa nalaman niya ang katotohanan na pinamigay siya ng ina.

Sinabi ni CAroline na naging mabuti ang buhay niya sa Belgium, mababait ang umampon sa kanya kaya't wala naman siyang rason para magalit sa tunay na ina.

Umabot na sa mahigit 3.3 milyon na views na ang video nina Lelia at Caroline, 24 oras mula ng ibahagi ito sa Facebook page ng Kapuso mo Jessica Soho.

Umani na ito ng 123,000 na reaksyon at 65,000 na shares.

Naniniwala ang KAMI na tunay na walang imposible lalo pa at determinado kang makamit ang matagal mo nang minimithi.

Source: Kami.com.ph

Related news
President Duterte confesses he is a 'coward' because he fears death

President Duterte confesses he is a 'coward' because he fears death

President Duterte confesses he is a 'coward' because he fears death
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel