Nakakahabag na sitwasyon ng mag-ama sa lansangan, umani ng simpatya

Nakakahabag na sitwasyon ng mag-ama sa lansangan, umani ng simpatya

- Sa gitna ng banta ng panganib na dulot ng Corona Virus Disease o COVID-19, umani ng simpatya ang isang litrato ng mag-ama

- Makikita sa ibinahaging litrato ng isang netizen na ipinapasuot ng ama ang facemask sa kanyang anak

- Marami ang naawa at bumilib sa sitwasyon ng mag-ama na isang halimbawa lamang ng sitwasyon ng mga mahihirap na mamamayan

- Gayunpaman, marami ang nabahala para sa ama na halatang may edad na rin at maituturing na delikadong mahawa ng COVID-19

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang netizen ang nagbahagi ng litrato ng mag-ama na pumukaw sa emosyon ng mga netizens. Makikita sa kanyang ibinahaging litrato na inilalagay ng ama ang facemask sa kanyang anak.

May mga bumilib sa pagmamahal ng ama sa kanyang anak. Gayunpaman, marami ang nabahala para sa kaligtasan ng lalaki lalo at mukhang may edad na rin ito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ayon sa mga pagsusuri, marami sa kaso ng COVID-19 na tumatama sa mga taong may edad na ay nagiging delikado dahil na rin sa kumplikasyon sa kalusugan.

Marami ang nahabag sa sitwasyon ng mag-ama. Sa gitna ng panganib at pangamba na duot ng COVID-19, kinailangan nilang lumabas ng bahay upang maghanap ng kanilang pangkain.

Matatandaang nag-umpisa ang community quarantine sa buong Metro Manila nitong Linggo, March 15.

Ito ay matapos ang unti-unting paglobo ng bilang ng mga taong nagpositibo sa COVID-19 sa Metro Manila. May mga kaso na ring naitala sa ibang bahagi ng bansa.

Sa kasalukuyan, mayroon nang 140 kaso ng COVID-19 sa bansa. Kabilang na rin dito ang 12 na nasawi.

Naiulat ng KAMI, ang tungkol sa sinapit ng isang Pinay sa Belgium dulot ng pangamba sa COVID-19.

POPULAR: Read more about Filipino viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Celebrity Tricky Questions: Human Meter asked random people to guess the celebrities by their eyes only. Click the play button and see if you can recognize your favorite Pinoy star by his/her eyes! Check out all of our videos on our KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel