Ama at kanyang Anak na may sakit na Autism – Pinaghiwalay ng 600 miles. Makatarungan ba iyon?!

Ama at kanyang Anak na may sakit na Autism – Pinaghiwalay ng 600 miles. Makatarungan ba iyon?!

Masama ang loob ni Tatay Paul sa naging desisyon para sa kanyang anak. Sabi pa nga niya “Ang mga criminal sa kulungan ay mas maganda pa ang kalagayan kesa sa pinakita nila sa akin anak na pinabayaan nalang nilang mabulok sa loob ng 9 na taon”

Ama at kanyang Anak na may sakit na Autism – Pinaghiwalay ng 600 miles. Makatarungan ba iyon?!
Noong una, ang sabi kay Paul ay hindi lalagpas ng dalawang taon ang pagkakahiwalay nila. (Photo: SWNS.com)

Naglabas ng hinaing ang isang ama na nawalay sa kanyang anak na may na Autism – at ang layo nila sa isa’t isa ay nasa 600 miles o nasa 96506 Kilometro. (Imagine nyo nalang ang layo ng Manila at Davao?!)

Si Darren Browne ay inipilipat sa isang specialist facility sa Birmingham mula sa Scotland dahil sinasabing wala raw makapagbibigay o makaka-ayon sa komplekadong pangangailangan ninya.

Kaya nga’t hindi mapigilan ni Tatay Paul na magsalita na mainam pa raw ang mga criminal sapagkat mas maayos ang pagbibigay ng atensyon sa kanila hindi gaya ng sinapit ng kanyang anak na hinayaan nalang mabulok sa loob ng 9 na taon – gayon sinabi na ng korte na maaari na siyang bumalik sa kanyang tirahan.

Noong una, si Paul at ang kanyang asawa na si Joan ay nakatira sa Coatbridge, sinabi sa kanila na 2 taon lamang na mawawalay ang kanilang anak.

Subalit 9 na taon na ang lumipas, sinabihan nalamang si Paul na ang paglilipatan na facility sa Milton ng Campise dahil sabi ng Renfrewshire Council ay meron daw problema.

Ang pagpasya na ibalik sa Scotland ay pinayagan ng isang hukom sa mnataas na korte ng hustisya (High Court of Justice) ng London.

Ama at kanyang Anak na may sakit na Autism – Pinaghiwalay ng 600 miles. Makatarungan ba iyon?!
Ipinakikipaglaban ni Paul ang kanyang Anak na si Darren upang maibalik na siya sa kanilang tahanan(Photo: SWNS.com)

“Walang nais bumisita sa kanya. Kahit isa. At bigla nalang silang tatalikod at sasabihin na hindi nila matatangap siya dahil walang kayang mag-alaga sa kalagayan niya?”

“Paano nila masasabi iyon kung walan naman bumibisita upang makita ang kalagayan niya?”

“Sabi nila nasa £50,000 (3.1 Million pesos sa pera natin sa bansa). Sinasabi nila na ganoon

kalaki ang babayaran para alagaan si Darren sa isang taon”

“Paano nila nasabi iyon kung hindi pa naman nila nakikita ang aking anak?”

“£50,000 ay maliit kumpara sa £5000 kada lingo na gastos sa England, kaya hindi usapan ang gastos dito”

Ama at kanyang Anak na may sakit na Autism – Pinaghiwalay ng 600 miles. Makatarungan ba iyon?!
Sa kasalukuyan, si Darren ay nasa facility na ngangalaga sa matatandang may Autism (Photo: SWNS.com)

Darren, isang 29 na gulang, ay nahaharap sa panibagong dalawang taon sa Wast Hills hospital sa Birmingham kahit pa nag-utos na ang korte.

Sabi ni Paul “Hindi ko alam kung paano nila nagagawang labanan ang utos ng korte. Bumibisita kami sa kanya isang beses sa isang buwan, pero nagiging mahirap na ito para sa amin na aking anak”

“Maaari mukha akong matapang pero ang puso ko ay marupok ang ngayon ay nasasaktan ako”

“Inaabot ng dalawa o tatlong araw para maging maayos ulit si Darren pagtapos niyang magpaalam sa amin. Ang mga tao sa hospital nila pinapahalagahan aking anak na tao din”

Si Paul, 58 na taong gulang, at kanyang asawa ay nakatanggap din ng balita na buhay ni Darren ay hindi na rin gaano magtatagal, kaya nga ganon nalang kasakit sa kanila na maraming oras ng buhay nila ang nasasayang na magkalayo.

Ang kwento pa nga ni Paul “Nahihirapan din ang dalawa ko pang anak, Si Heather at Paul. Meron silang kuya na hindi nila makita at makasama. Masakit iyon para sa kanila”

Dagdag pa niya, kung alam lang ninya ang sakit at lungkot na maidudulot nito hindi na dapat ninya pnadala pa si Darren.

Ama at kanyang Anak na may sakit na Autism – Pinaghiwalay ng 600 miles. Makatarungan ba iyon?!
Umaabot ng 2 o 3 araw para kay Dareen na maka-move on kapag siya ay naiiwan ulit (Photo: SWNS.com)

Sa ngayon ang plano ni Paul na lumapit mula sa judge na kanyang nakausap sa London upang magtanong kung bakit hindi pinansin ng hospital ang kanyang reklamo.

Gayon man naglabas narin ng pahayag ang kabilang panig na nagsasabing gagawan nila ng paaan at pag-aaralan pa ang sitwasyon ni Darren bilang kanilang pasyente.

Ama at kanyang Anak na may sakit na Autism – Pinaghiwalay ng 600 miles. Makatarungan ba iyon?!
Nakalulungkot sapagka’t ang buhay ni Dareen ayon sa mga doctor ay nasa 30’s lamang (Photo: SWNS.com)

Mahirap ang mahiwalay sa pamilya. Ramdam mo din ba sila?

Source: KAMI.com.gh

Authors:
John Gonzales avatar

John Gonzales