Angelica Panganiban, binalikan ang first meet up nila ni Gregg Homan: "Walang kaarte-arte"
- Nag-guest kamakailan si Angelica Panganiban sa 'Fast Talk with Boy Abunda'
- Dito ay inilarawan ni Angelica si Gregg bilang "ma-serbisyo" at handyman sa bahay
- Ibinahagi niya na best friend niya si Gregg dahil napag-uusapan nila ang lahat
- Nakakatawang ikinuwento rin ni Angelica ang kanilang unang meet-up noon
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Nagbigay ng nakakakilig at nakakatawang pagbabalik-tanaw si Angelica Panganiban sa Fast Talk with Boy Abunda tungkol sa kung paano niya unang nakilala at na-in love sa kanyang asawa, si Gregg Homan.

Source: Youtube
Sa naturang interview, ibinahagi ni Angelica ang mga detalye tungkol sa kanyang mister, kabilang na nga ang kanyang pagka-Pinoy at ang kanyang pagiging hands-on sa bahay, at pati sa kanilang anak na si Amila.
"Ang sabi ko nga, kung hindi mo rin kilala si Gregg, hindi mo siya mapagkakamalang may foreign blood. Ang tingin ko Pinoy, pati kulay," aniya Boy na agad naman sinagot ni Angelica, "Akala mo talaga Pinoy na Pinoy siya, pati magsalita, diretso naman siya mag-Tagalog. Yun ang gusto ko, Tito Boy, may halo pero nagta-Tagalog. Kasi kung English yun, hindi yun nauwi sa kasalan. Hindi kami nagkaintindihan."

Read also
Angelica Panganiban nang makatrabaho si Piolo Pascual noon: "Muntik talaga akong ma-in love"
Ibinahagi rin ni Angelica ang nakakatuwang detalye tungkol sa kanilang unang meet-up, bagay na labis na kinagiliwan ng maraming netizens.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
"Ang sarap kasi kapag pinapanood ko kayo, alam mo yung may feeling na, nakangiti ka, I haven't met him but walang kaarte-arte," pahayag ni Boy. Dahil dito, naibunyag ni Angelica ang pagiging simple ni Gregg, "Tito Boy, nung unang beses ko siyang na-meet, imagine mo ang kikitain niya artista ha, at maganda and pretty, syempre alam niya pretty ako, nagpunta ng meet-up namin eh naka-paa."
Inilarawan ni Angelica si Gregg bilang parang "taong dagat" na walang kaarte-arte sa pananamit niya.
"Talagang parang ano, yung taong dagat, walang kaarte-arte, basta ganun siya. Nakilala ko siya eh wala siyang shoes, tsinelas marami, so invest si bakla," dagdag niya.
Ngunit ang talagang nagpakilig sa marami ay ang paglalarawan ni Angelica na si Gregg ay isang mahusay na asawa.
"Ma-serbisyo rin siya eh, pero sa ibang paraan... siya yung sa mga house repairs, handyman eh, isang salita eh tapos, gagawin niya. Siya bahala sa lahat so... pagagaanin niya yung buhay mo, ganun siya. Tapos ano siya, best friend ko siya, napag-uusapan naming lahat," aniya.
Panoorin ang video sa ibaba:
Si Angelica Panganiban ay isang Filipina actress, komedyante, at television host na kilala sa kanyang husay sa parehong drama at komedya. Nagsimula siya bilang child actress at sumikat sa kanyang mga papel sa iba't ibang teleserye at pelikula. Ipinamalas niya ang kanyang galing sa drama sa mga teleseryeng tulad ng Pangako Sa 'Yo at The Legal Wife, kung saan hinangaan ang kanyang intense na mga roles. Kilala rin siya sa kanyang talento sa komedya, lalo na sa programang Banana Split. Noong 2022, isinilang niya ang kanyang unang anak kasama ang partner niyang si Gregg Homan, bilang bahagi ng kanyang bagong yugto bilang isang ina.
Sa nakaraang ulat ng KAMI ay inamin ni Angelica Panganiban na muntik siyang ma-in love kay Piolo Pascual noon. Aniya Angge, si Piolo ang pinakakomportable niyang leading man. Nag-open up siya sa isang kaibigan dahil iba na raw ang kanyang nararamdaman. Ang pumigil sa kanya na ma-fall ay dahil may jowa siya noon.

Read also
Kiray Celis, nagpasalamat kay Angeline Quinto dahil tinupad nito ang "pangarap" niya sa kasal
Samantalang ay ibinahagi ni Angelica Panganiban sa kanyang Instagram Stories ang binili ng kanyang asawang si Gregg Homan sa Australia. Dahil dito ay nagbiro si Angelica at sinabing "papakasalan kita ulit" sa tuwa niya sa nabili ni Gregg. Aniya, gagamitin nila ito para sa kanilang paparating na Christmas break kasi.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh
