Madre sa anti-corruption rally, dinuro at minura matapos sabihing mahalin si PBBM

Madre sa anti-corruption rally, dinuro at minura matapos sabihing mahalin si PBBM

  • Isang 69-anyos na madre ang naduro at namura ng mga raliyista Liwasang Bonifacio sa Maynila
  • Ito ay matapos niya umanong mabanggit na mahalin ang Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
  • Sa video na kuha ng ABS-CBN, makikita kung paano halos makuyog na ang madre ng mga 'di sumang-ayon sa kanyang nasabi
  • Maririnig na may nagsabi pa sa kanyang maling rally ang kanyang napuntahan

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Nag-viral ang isang insidente sa Liwasang Bonifacio, Maynila matapos halos makuyog ang isang 69-anyos na madre sa gitna ng anti-corruption rally nitong Setyembre 21.

69-anyos na madreng sa rally, dinuro at minura matapos sabihing mahalin si PBBM
69-anyos na madreng sa rally, dinuro at minura matapos sabihing mahalin si PBBM (Dennis Datu/ ABS-CBN)
Source: Instagram

Sa video na kuha ng ABS-CBN, makikitang napapalibutan ang madre ng mga raliyista.

Nagsimula ang tensyon nang mabanggit umano nito ang mga katagang “mahalin ang Pangulong Ferdinand Marcos Jr" sa kanyang naging talumpati sa rally laban sa mga corrupt na namamahala sa pamahalaan.

Dito na uminit ang sitwasyon. May mga nadinig na mura, may dumuro pa sa kanya, at may sumigaw na “maling rally ang napuntahan mo!” bagay na ikinabahala ng mga nakapanood.

Read also

Vice Ganda, di napigilang mapamura sa rally: "Hindi ko kayang maging magalang sa kanila"

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Hindi na halos nakapagsalita pa ang madre habang tinutulungan naman siya ng ibang reporters na huwag masaktan o huwag makuyog ng mga raliyistang kitang-kita ang galit laban sa korapsyong nabunyag kamakailan lamang.

Hindi pa malinaw kung paano siya napunta sa lugar ng kilos-protesta, pero marami na ang nag-react online, hati ang opinyon ng netizens: may mga nagsasabing hindi dapat siya pinahiya, habang ang iba naman ay nagsabing hindi rin tama ang kanyang naging pahayag sa naturang okasyon.

Narito ang naturang video:

Ngayong Setyembre 21, 2025, muling naging sentro ng pagkilos ang Luneta at EDSA People Power Monument matapos magsagawa ng malawakang anti-corruption rally ang mga Pilipino. Kilala ang petsang ito bilang anibersaryo ng deklarasyon ng Martial Law noong 1972 sa ilalim ng dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr., at sa bawat taon ay inaalala ito ng iba’t ibang sektor bilang simbolo ng panawagan para sa demokrasya, hustisya, at pananagutan ng pamahalaan. Ngayong taon, naging mas maigting ang kilos-protesta dahil sa lumalaking galit ng publiko sa umano’y anomalya sa halos 9,855 flood control projects ng gobyerno na nagkakahalaga ng tinatayang ₱545 bilyon.

Read also

Kara David, may malupit na birthday wish para sa mga kurakot ngayong ika-52 niyang kaarawan

Batay sa ulat, marami sa mga proyektong ito ang “substandard,” hindi natapos, o pinaniniwalaang “ghost projects.” Umigting pa ang sentimyento ng publiko nang ibunyag na ilang kontraktor ay nabansagang nagpakasasa sa magagarang sasakyan at luho sa gitna ng kontrobersya. Dahil dito, tinawag ang kilos-protesta na “Baha sa Luneta” o Trillion Peso March—isang malinaw na pagkondena sa umano’y katiwalian sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon.

Isa si Vice Ganda na nakiisa sa naturang rally. Nang mabigyan ng pagkakataong makapagsalita sa harap ng mga raliyista, hindi nito napigilang makapagmura sa mga umano'y corrupt na nasa gobyerno na sinasabing nagnanakaw ng kaban ng bayan na nanggagaling sa buwis ng mamamayan. Aniya, hindi niya kayang maging magalang sa mga ito lalo na at nagawa nilang nakawan ang mga Pilipino.

Maging si Miss Universe 2018 na si Catriona Gray ay nagpakita ng suporta sa mga kapwa niya Pilipino na naghuhumiyaw ang damdamin na panagutin ang mga opisyal na umano'y kurakot sa pamahalaan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica