Catriona Gray, may “raise your flag” moment habang nakikiisa sa Trillion peso march
- Isa si Miss Universe 2018 Catriona Gray sa nakiisa sa anti-corruption rally
- Agaw-pansin si Catriona lalo at tila nagkaroon siya ng 'raise your flag' moment na matatandaang nabanggit niya sa Q&A ng napanalunang pageant
- Sa kanyang Facebook post, inilahad ni Catriona ang saloobin sa dinaluhang pagtitipon laban korapsyon
- Hanggang ngayon, patuloy ang adbokasiya ni Catriona na maging boses ng mga Pilipino lalong-lalo na sa mga suliraning kinahaharap ng mga mamayan
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Naging highlight sa Trillion Peso March ngayong Setyembre 21 ang pagsali ni Miss Universe 2018 Catriona Gray. Suot ang kanyang pink na jacket, nagkaroon pa siya ng “raise your flag” moment habang nagmamartsa patungong People Power Monument, isang eksena na agad nag-trending online.

Source: Facebook
Sa kuha ng PhilStar.com, makikitang kasama ng karamihan si Catriona habang isinisigaw saloobin ng bawat mamamayang Pilipino.
Hindi lang presensya ang ibinahagi ni Catriona. Sa kanyang Facebook post, diretsahan niyang inilahad ang kanyang panawagan laban sa korapsyon.
“Pilipinas. Nafefeel nyo ba? We wear no colours - we stand together united for our nation.”
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Dito, iginiit ni Catriona na hindi tungkol sa politika o partidong kulay ang rally. Aniya, simbolo ito ng pagkakaisa ng mga Pilipino na nagsasama-sama para sa bayan.
“We pay our taxes. And as responsible, law abiding, tax paying citizens we DESERVE to know (and see) that our taxes are going towards the betterment of our nation.”
Pinunto ng beauty queen ang sakripisyo ng bawat Pilipinong nagbabayad ng buwis. Para sa kanya, obligasyon ng pamahalaan na tiyaking napupunta sa tama ang bawat kinitang piso ng mamamayan.
“We will not be satisfied with theatrics, or empty promises. Tama na acting!!”
Isang matapang na banat ni Catriona laban sa mga opisyal na puro salita lamang at walang konkretong aksyon. Hindi na raw sapat ang drama at pangakong walang katuparan.
“All of our eyes are on our leaders. How you handle your positions - we will be watching and demanding good and fair governance.”
Paalala ni Catriona sa mga nasa kapangyarihan: bantay-sarado sila ng taumbayan. Hindi na puwedeng lusutan ang pananagutan dahil malinaw ang demand para sa tapat na pamumuno.
“We demand accountability! We call on our leaders to CLEAN UP THE CORRUPT! Sa mga lider namin, the ball is in your court.. ipaglaban niyo kami. Change takes time. But the time to change is NOW.”
Dito na buo ang kanyang panawagan: panagutin ang mga tiwali at linisin ang pamahalaan. Ayon sa kanya, nasa mga lider na ang susi para ipaglaban ang interes ng mamamayan, at hindi dapat ipagpaliban ang reporma.
Ang kanyang post ay nilagyan pa ng hashtag na #STOPTHECORRUPTION, na ngayon ay umaani ng libo-libong shares at komento mula sa netizens na sumasang-ayon sa kanyang paninindigan.
Hindi ito ang unang beses na ginamit ni Catriona ang kanyang boses sa mga isyung pambansa. Ngunit sa pagkakataong ito, mas tumatak ang kanyang matapang na panawagan—isang beauty queen na hindi lang nagsusuot ng korona, kundi handang makiisa sa taumbayan para sa pagbabago.
Si Catriona Gray ay isang Filipino-Australian model at beauty queen na ipinanganak noong January 6, 1994. Nakasali na siya sa Miss World 2016 bago pa man niya nasungkit ang korona sa Miss Universe noong 2018. Matapos nito, tuloy pa rin ang kanyang mga adbokasiya sa pagtulong sa kapwa. Sumabak din siya sa hosting maging sa mga sumunod na Miss Universe pageants matapos siyang manalo.
Samantala, isa rin si Vice Ganda sa mga nakiisa sa anti-corruption rally na ginanap ngayong Setyembre 21. Sa kanyang pagbibigay mensahe sa harap ng mga raliyista, hindi niya napigilang makapagmura bugso ng matinding emosyon kaugnay umano sa korapsyong nagagawa ng mga opisyal ng pamahalaan habang patuloy na nagdurusa sa baha ang ga mamayang Pilipino na nagbabayad ng buwis.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh