Bela Padilla, nagsalita tungkol sa breakup nila ng Swiss-Italian boyfriend na si Norman Ben Bay

Bela Padilla, nagsalita tungkol sa breakup nila ng Swiss-Italian boyfriend na si Norman Ben Bay

  • Kinumpirma ni Bela Padilla ang hiwalayan nila ng kanyang Swiss-Italian boyfriend na si Norman Ben Bay
  • Aminado siyang bukas pa rin siya sa pag-ibig ngunit uunahin muna ang promosyon ng pelikula
  • Isa sa mga dahilan ng breakup ay ang long-distance relationship at ang desisyong manirahan muli sa Pilipinas
  • Sa kabila ng hiwalayan, nanatili ang maayos nilang relasyon at dumalaw pa sa kanya ang ex sa shooting

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Bukas pa rin sa posibilidad ng bagong pag-ibig si Bela Padilla matapos kumpirmahin ang hiwalayan nila ng kanyang kasintahan na si Norman Ben Bay, isang Swiss-Italian national na nakarelasyon niya nang halos limang taon.

Bela Padilla, nagsalita tungkol sa breakup nila ng Swiss-Italian boyfriend na si Norman Ben Bay
Bela Padilla, nagsalita tungkol sa breakup nila ng Swiss-Italian boyfriend na si Norman Ben Bay (đź“·@bela/IG)
Source: Instagram

Sa isang interview matapos ang press conference ng kanyang bagong pelikula na “100 Awit Para Kay Stella” sa Quezon City, ibinahagi ni Bela na handa siyang muling magmahal matapos ang promotional activities ng pelikula.

“Siguro after I finish promos first. Why not, I love falling in love. I don’t think there is anything wrong with putting yourself out there,” aniya. Dagdag pa niya sa biro, “Kaso 'di na ako marunong mag-date for 2025.”

Read also

Rico Blanco, gumawa ng orihinal na musical score para sa pelikulang Sunshine

Ayon sa aktres, direktor, at manunulat, naging mahirap para sa kanila ang long-distance setup. Matagal siyang nanirahan sa London mula 2021 ngunit nagdesisyon na siyang bumalik sa Pilipinas para muling pagtuunan ng pansin ang kanyang karera.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

“Sabi ko nga sa pelikula ko dati, some people are just meant to pass by. Kasi titira na ako dito ulit,” kwento niya.

“Definitely one of the biggest factors was my moving back. Hindi rin kasi kami magkasama noon. Nasa London ako, nasa Switzerland siya. Nahirapan ako. LDR na shorter but still LDR,” dagdag pa niya.

Gayunpaman, nilinaw ni Bela na naging maayos ang kanilang paghihiwalay at nanatiling magkaibigan pa rin sila. Katunayan, dumalaw pa raw si Norman sa set ng pelikula.

“Dumalaw pa sa shooting. He was here and napasyal niya pa buong Pampanga. Hindi na kami noon,” pahayag ng aktres.

Muling bibigyang-buhay ni Bela ang karakter ni Stella sa sequel ng 2017 box office hit na “100 Tula Para Kay Stella.”

Read also

Anak ni Caridad Sanchez, nanindigan laban sa online post tungkol sa kalusugan ng beteranang aktres

Ang bagong pelikulang “100 Awit Para Kay Stella” ay mula pa rin sa direksyon ni Jason Paul Laxamana at makakasama niya rito sina JC Santos at Kyle Echarri. Nakatakdang ipalabas ang pelikula sa mga sinehan simula Setyembre 10.

Isang multi-talented Filipina na kilala bilang aktres, direktor, at screenwriter. Sumikat siya sa mga pelikulang Meet Me in St. Gallen, Camp Sawi, at 100 Tula Para Kay Stella. Matagal siyang nanirahan sa London ngunit ngayon ay full-time na muling nagtatrabaho sa Pilipinas.

Noong Hulyo 2025, inamin ni Bela Padilla sa isang candid social media post na unti-unti nang bumabalik sa ayos ang kanyang kalusugan matapos ang ilang buwang pag-aadjust. Nagpatingin siya sa iba’t ibang doktor at mas naging maingat na sa katawan. Masaya siya na mas may energy na siya ngayon para sa trabaho.

Sa isang malalim na post noong Hulyo 2025, ibinahagi ni Bela na ilang beses siyang naospital dahil sa iba’t ibang sakit sa loob ng ilang buwan. Aniya, naging wake-up call ito para mas alagaan ang sarili. Kasabay ng pagsasaayos ng health, naging mas introspective din siya tungkol sa buhay.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate