Paolo Contis, natawa sa death “treat” ng basher pero inalala ang nanay
-Natawa si Paolo Contissa death “treat” na maling spelling ng isang basher
-Naisip niyang i-delete ang post dahil nag-alala ang kanyang ina
-Hindi na siya nagtuloy sa legal action para hindi ma-stress ang kanyang pamilya
-Ikinuwento rin niya ang masayang bonding moments nila ng Tabing Ilog co-stars
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Hindi na bago kay Paolo Contis ang mga komento ng bashers sa social media, pero kamakailan ay may isang comment na kahit paano ay nagdala ng ngiti sa kanya. Ibinahagi ng Kapuso actor sa social media ang isang death threat—na mali ang spelling—mula sa isang netizen.

Source: Instagram
Sa halip na maapektuhan, natawa si Paolo sa mensaheng: “Paolo Contis mamatay kana (death treat para sa yow).” Dahil dito, pabirong sagot niya: “Sana tama ang spelling para ma THREAT ako!” kasabay ng ilang laughing emojis.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Gayunpaman, matapos ang ilang sandali ay minabuti niyang burahin ang post. Paliwanag niya, nag-alala ang kanyang ina matapos makita ang naturang komento. “Nag-worry kasi kuya and mom ko. So I deleted it na lang para hindi na ma-stress mama ko,” ani Paolo. Dagdag pa niya, “Hindi ko naisip na makikita ng mama ko, eh. Kawawa naman, dagdag isipin pa niya kaya I deleted na lang.”
Ayon sa showbiz columnist na si Jun Lalin, inakala pa nga nilang maaaring magdemanda si Paolo dahil sa death threat. Ngunit mas pinili ng aktor na huwag nang palakihin pa ang isyu alang-alang sa kapakanan ng kanyang pamilya. Bukod sa pagiging isang seryosong aktor, kilala rin si Paolo sa kanyang pagiging komedyante, lalo na sa kasalukuyan niyang stint sa Bubble Gang ng GMA.
Si Paolo Contis ay isa sa mga versatile na aktor sa industriya, nagsimula bilang child star at naging bahagi ng classic teen series na Tabing Ilog. Sa kabila ng mga kontrobersya sa kanyang personal na buhay, nananatili siyang aktibo sa showbiz, parehong sa drama at comedy. Isa siya ngayon sa mga regular na mukha sa Bubble Gang, at kilala rin sa mga viral na memes at relatable na hugot sa social media. Sa kabila ng bashers, pinipili niyang maging positibo at magbigay ng good vibes sa kanyang followers.
Sa isang candid na pahayag, sinabi ni Paolo Contis na hindi siya sang-ayon sa ideyang dapat maging magkaibigan ang dating magkarelasyon. Ayon sa aktor, hindi ito laging applicable lalo na kung may mga sugat pa sa nakaraan. Dagdag niya, mas okay nang magkaroon ng respeto kaysa piliting maging close ulit.
Sa isang honest at nakakatawang pahayag, ibinahagi ni Paolo Contis ang kanyang pangamba bilang ama. Aniya, natatakot siya sa araw na ang manliligaw ng kanyang anak ay katulad niya noon. Inamin niya ang kanyang mga pagkakamali at ginagamit ito bilang gabay para mas maprotektahan ang kanyang anak.
Sa panahon ng social media, madalas na sumasagupa ang mga artista sa iba't ibang opinyon at komento. Pero gaya ni Paolo Contis, mas pinipiling sagutin ang negativity ng may halong katatawanan—pero hindi kailanman isinasantabi ang damdamin ng mga taong mahal niya, lalo na ang kanyang pamilya.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh