SM Megamall, inaksyunan ang nasa viral video ng sekyu at batang sampaguita vendor
- Naglabas na ng pahayag ang SM Megamall ukol sa kumakalat na viral video ng sekyu at batang sampaguita vendor
- Ito ay matapos na makatanggap ng samu't saring komento ang insidenteng nakunan ng video
- Pinaiimbestigahan na umano ang SM ang pangyayari
- Na-dismiss na umano ang security guard at hindi na umano pahihintulutang magbigay serbisyo sa anumang mall ng SM
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Agad na naglabas ng opisyal na pahayag ang SM Megamall matapos na umani ng kabi-kabilang reaksyon ang viral video kung saan makikita ang umano'y pagpapalayas ng isang security guard sa batang babae na 'di umano'y naglalako ng Sampaguita.
Sa video na ibinahagi rin ng Mega Kapamilya, makikita ang sekyu na 'di umano'y pinaaalis ang batang naka-uniporme pa at may hawak ng sinasabing nilalako nitong sampaguita.Sa video na ibinahagi rin ng Mega Kapamilya, makikita ang sekyu na 'di umano'y pinaaalis ang batang naka-uniporme pa at may hawak ng sinasabing nilalako nitong sampaguita.
Makikitang tila nanlaban ang bata at pinaghahampas din ng makailang beses ang sekyu ng kanya umanong tinitinda.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Gayunpaman, makikita rin sa video na tila umamba ng sipa ang sekyu at sinira pa nito ang mga sampaguita. Ito umano ang inalmahan ng publiko.
Samantala sa opisyal na pahayag ng SM, sinabing magkakaroon ng imbestigasyon sa nag-viral na insidente at agad na inalis sa trabaho ang naturang security guard.
"We have called the attention of the security agency to conduct an immediate and thorough investigation. The Security Guard has been dismissed and will no longer be allowed to service any of our malls."
Ayon pa sa pahayag, kinokondena umano nila ang nagawa ng sekyu sa batang vendor.
"As SM Supermalls always promotes inclusivity for all, we strongly condemn this act committed against her."
Narito ang kabuuan ng pahayag ng SM Megamall:
Kamakailan, isang traffic enforcer ang umano'y tumilapon matapos na masagasaan ng isang SUV. Ayon sa driver, puyat laman daw siya kaya't tila sinasabing hindi sinasadya ang naturang insidente.
Samantala, isang security guard naman ang nagawang makipagbarilan sa limang magnanakaw. Binawian ng buhay ang lider ng grupo. Mapapanood sa CCTV ang mga suspek na tila may kontrol sa lugar bago maganap ang barilan.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh