Black and white posters nina Ice Seguerra at Gary V, gumulantang sa netizens

Black and white posters nina Ice Seguerra at Gary V, gumulantang sa netizens

- Agaw-eksena ang mga inilabas na posters nina Ice Seguerra at Gary Valenciano

- Ito umano ay para sa kanilang paparating na shows na magaganap sa August at September

- Hinala ng ilan, iisa lamang umano ang gumagawa ng kanilang posters na tila pareho ang konsepto

- Biro pa ng ilang bigla silang naintriga at nakaramdam ng kaba nang makita ang mga post ukol sa dalawa

Talagang naging agaw-eksena online ang mga posters nina Ice Seguerra at Gary Valenciano para sa mga upcoming shows nila sa August at September.

Black and white posters nina Ice Seguerra at Gary V, gumulantang sa netizens
Black and white posters nina Ice Seguerra at Gary V, gumulantang sa netizens (Ice Seguerra/ Gary Valenciano)
Source: Facebook

Kapansin-pansin kasi na black and white ang konsepto nito na lalong nagbigay intriga sa mga netizens.

Narito ang ilan sa mga komento ng nakakita ng kanilang posters:

"Very catchy pero ang kaba ko grabe!"

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Read also

Chad Kinis, tinanghal na kauna-unahang champion ng LOL Philippines

"Napa-scroll back ako e, nanlaki talaga mata ko"
"Shows lang pala. Pareho sila ni Ice Seguerra, black and white din"
"Kakanerbyos naman po sir Gary. Pero ang catchy ah!"
"Mini heart attack naman po. Akala ko talaga kung ano na. Goodluck po sa concert niyo"
"Binalikan ko talaga yung post, akala ko namalikmata ako"

Narito ang mga post nina Ice at Gary V na ibinahagi rin ng Inquirer at The Scoop:

Si Ice Seguerra ay isang singer at aktor sa Pilipinas. Sumikat siya nang maging bahagi ng Eat Bulaga na kinagiliwan ng marami.

Produkto siya ng Little Miss Philippines na bahagi ng "Eat Bulaga" kung saan mga cute at talentadong mga batang babae ang nagiging kalahok upang ibahagi ang kanilang talento at talino at magbigay saya at inspirasyon sa mga manonood.

Sa kasagsagan noon ng kontrobersiya sa pagitan ng TAPE Inc. at ng Tito, Vic and Joey, nanindigan umano si Ice na hindi siya magiging guest lalong hindi siya magiging bahagi ng anumang katapat na programang pangtanghali ng Eat Bulaga. Katunayan, nakasaad umano ito sa kanyang pinirmahang kontrata. Bukod sa kung ano pa man, trinato niya bilang pamilya ang mga host noon ng Eat Bulaga.

Read also

Jennylyn Mercado, nagbigay pahayag ukol sa nababalitang alok umano ng ABS-CBN

Samantala, sa naging panayam ni Ogie Diaz sa nag-iisang Mr. Pure Enery na si Gary Valenciano, nilinaw niyang patuloy pa rin umano siyang magtatanghal sa entablado. Ito ay matapos gumawa ng ugong ang isa sa mga concerts niya kamakailan na may pamagat na 'One Last Time.'

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica