Priscilla Meirelles, naikwentong nag-reach out sa kanya si Janice De Belen

Priscilla Meirelles, naikwentong nag-reach out sa kanya si Janice De Belen

- Sa programang Fast Talk with Boy Abumda, isa sa naikwento ni Priscilla Meirelles ay ang pag-reach out sa kaniya ni Janice De Belen

- Labis niya umano itong na-appreciate lalo na at hindi raw sila close

- Ani Priscilla, nag-usap sila ng babae sa babae at isa umano si Janice sa mga dumamay sa kanya sa panahon ng pagsubok

- Ramdam daw niyang na-appreciate ni Janice na minamahal ni Priscilla ang mga anak nito

Isa sa nausisa ni Boy Abunda kay Priscilla Meirelles sa programa niyang Fast Talk, ay kung kumusta ang sitwasyon ni Priscilla kay Janice De Belen.

Priscilla Meirelles, naikwentong nag-reach out sa kanya si Janice De Belen
Priscilla Meirelles kasama ang mister na si John Estrada (@primeirelles)
Source: Instagram

Matatandaang si Janice ang ex ni John Estrada. Ani Priscilla, isa umano si Janice sa mga nakausap niya noong nakaraang taon patungkol sa pinagdaraanan nila ng kanyang mister.

"When it come to Miss Janice, never kaming naging close. Pero na-appreciate ko siya nang sobra kasi last year, actually nag-reach out siya sa akin and I hope it's okay to share. She you know, woman to woman, she was very kind. And I appreciate that because you know, we're never close e," ani Priscilla.

Read also

Priscilla Meirelles, close sa iba pang anak ni John : "tawag nila sa akin 'ate'"

"We did work together but of course, I'm married to her ex although I'm not the reason why they separated, please let me just clear. 'Yung pagpasok ko sa buhay ni John, many years na siyang annuled. But again, woman to woman I think she can fell me, and I think she understands where I am coming from. And I think she appreciated the fact that I'm good to her kids. And then they love me, and I love them," dagdag pa niya.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula sa Fast Talk with Boy Abunda/GMA Network:

Si Priscilla Meirelles de Almeida ay isang Brazilian model, host, actress, environmentalist at beauty queen. Siya ang kinoronahang Miss Earth 2004 na ginanap sa Pilipinas. Taong 2011, ikinasal siya sa aktor na si John Estrada at nabiyayaan sila ng isang anak.

Read also

Vice Ganda explains viral "Piliin Mo Ang Pilipinas" video

Noong nakaraang taon, matatandaang naging usap-usapan ang kabi-kabilang posts umano ni Priscilla na pilit na naiuugnay 'di umano sa pinagdaraanan nilang pagsubok ng asawa niyang si John. Gayunpaman, marami ang natuwa nang tila nalampasan ito ng mag-asawa nang makitang magkasama muli ang dalawa, at kanilang pamilya.

Kamakailan, binati ni John si Priscilla, para sa pagdiriwang nila ng ika-13 anibersaryo. Samantala, ang kanila namang supling na si Anechka ay nagdiwang ng kanyang ika-12 nitong kaarawan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica