Priscilla Meirelles, close sa iba pang anak ni John : "tawag nila sa akin 'ate'"

Priscilla Meirelles, close sa iba pang anak ni John : "tawag nila sa akin 'ate'"

- Naikwento ni Priscilla Meirelles na close siya sa mga anak ni John Estrada kay Janice De Belen

- Katunayan, ate pa raw ang tawag ng mga ito sa kanya dahil sa umano'y di nalalayong edad

- Aniya, very sweet daw ang mga ito na lagi siyang dinadamayan sa panahon ng pagsubok

- Kaya naman siya rin ay napamahal na sa mga anak nina John at Janice

Isa sa nausisa ni Boy Abunda kay Priscilla Meirelles sa programa niyang Fast Talk sa GMA, ay tungkol umano sa relasyon ni Priscilla sa iba pang mga anak ni John Estrada.

Priscilla Meirelles, close sa iba pang anak ni John : "tawag nila sa akin 'ate'"
Priscilla Meirelles, John Estrada at kaniyang mga anak (@johnestrada_on IG)
Source: Instagram
"I'm very close with the kids. I've seen them growing up. So and then, 'yung tawag nila sa akin 'ate.' Kasi medyo hindi malayo yung age gap [namin]," ani Priscilla.
"And they're very sweet. Every time I go to trials, they're always there for me. They reach out and I appreciate that... Very much. And they know, no matter what, whenever they need, I'm just a phone call away, a text away, I'll be there for them," dagdag pa niya.

Read also

Priscilla Meirelles, naikwentong nag-reach out sa kanya si Janice De Belen

Nabanggit din niyang hindi man sila naging close ni Janice De Belen na ex ni John, na-appreciate umano niya ang pag-reach out nito sa kanya noong dumaraan siya sa pagsubok noong nakaraang taon.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula sa Fast Talk with Boy Abunda/GMA Network:

Si Priscilla Meirelles de Almeida ay isang Brazilian model, host, actress, environmentalist at beauty queen. Siya ang kinoronahang Miss Earth 2004 na ginanap sa Pilipinas. Taong 2011, ikinasal siya sa aktor na si John Estrada at nabiyayaan sila ng isang anak.

Noong nakaraang taon, matatandaang naging usap-usapan ang kabi-kabilang posts umano ni Priscilla na pilit na naiuugnay 'di umano sa pinagdaraanan nilang pagsubok ng asawa niyang si John. Gayunpaman, marami ang natuwa nang tila nalampasan ito ng mag-asawa nang makitang magkasama muli ang dalawa, at kanilang pamilya.

Read also

Kaila Estrada, one take lang ang 'Bettina' confession scene sa CBML

Kamakailan, binati ni John si Priscilla, para sa pagdiriwang nila ng ika-13 anibersaryo. Samantala, ang kanila namang supling na si Anechka ay nagdiwang ng kanyang ika-12 nitong kaarawan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Online view pixel