Ogie Diaz, nabalitaang unti-unti umanong nahuhulog si Kim Chiu kay Paulo Avelino

Ogie Diaz, nabalitaang unti-unti umanong nahuhulog si Kim Chiu kay Paulo Avelino

- Nakarating kay Ogie Diaz mula sa kanyang source ang umano'y nararamdaman ni Kim Chiu kay Paulo Avelino

- Ayon sa source ni Ogie, unti-unti umanong nahuhulog ang loob ni Kim kay Paulo at nata-touch umano ito sa gestures ng aktor

- Ani Ogie, walang linaw ang mga bali-balitang ito at tanging si Kim lamang ang makakakumpirma nito

- Matatandaang magkasama sa ilang proyekto sina Kim at Paulo tulad ng 'Linlang' at Pinoy adaptation ng 'What's wrong with secretary Kim'

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Sa bagong episode ng kanyang Showbiz Update channel, naibahagi ni Ogie Diaz ang nakarating umanong balita sa kanya na nahuhulog umano ang loob ni Kim Chiu kay Paulo Avelino.

Ogie Diaz, nabalitaang unti-unti umanong nahuhulog si Kim Chiu kay Paulo Avelino
Kim Chiu and Paulo Avelino (@viuphilippines/ @chinitaprincess)
Source: Instagram

Ani Ogie, isang source ang nagsabi sa kanya na tila nata-touch si Kim sa ipinakikita ni Paulo sa kanya.

Read also

Melai Cantiveros: “If someone questions why I have award, don’t worry I question too"

"May nakapagsabi sa akin. Narinig ko lang naman. Merong nagparating sa akin... Unti-unti pala ay nahuhulog itong si Kim kay Paulo. 'Yun lang ang nabalitaan ko ha na nata-touch si Kim sa mga gestures ni Paulo dahil bukod sa sweet e Carinoso. Bukod doon, maasikaso. 'yun talagang nararamdaman ni Kim Chiu na babae siya kay Paulo Avelino"
"Kaya nga lang, wala namang linaw yun. Kung split na si Xian Lim tapos napo-focus ang atensyon ni Kim Chiu, kung sakali ah kay Paulo, wala namang kasiguraduhan kay Paulo kung may nararamdaman din ba siya kay Kim Chiu. Posibleng meron, posible ring parang mahal ko 'to bilang kaibigan."

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Subalit, kasabay nito ang bali-balitang nagkabalikan naman umano sina Paulo Avelino at Janine Gutierrez.

"Ang masaklap, ang sabi sa akin ng aking source, nagkabalikan na raw si Paulo Avelino at si Janinie Gutierrez."

Read also

Source ni Ogie D sa hiwalayang KimXi: "Wala naman daw third party"

Gayunpaman, paalala rin ni Ogie na tanging sina Kim at Paulo ang makakapagkumpirma ng mga bali-balitang ito.

"Kasi alam mo, nilalatag lang naman natin sa kanila 'yung mga nakakarating sa atin. Sila pa rin ang may karapatang sumagot. Kung i-deny nila ito, madali para sa kanila hindi totoo yung nakarating sa atin, e sorry"

Narito ang kabuuang detalye ng showbiz chika na ito mula sa Ogie Diaz Showbiz Update:

Si Kim Chiu ay unang nakilala sa mundo ng showbiz matapos siyang tanghalin bilang big winner sa kauna-unahang Pinoy Big Brother: Teen Edition. Bukod sa kanyang husay sa pag-arte, nagkaroon din siya ng maraming proyekto dahil sa husay niya sa hosting at pagsayaw. Nagkaroon din siya ng mga kanta kagaya ng MR. Right at Peng Yu.

Sa isang post ni Kim, binahagi niya ang saloobin na nakabalik na siya sa pagtatrabaho matapos ang mahigit isang linggo. Sa kanyang pagbabalik-trabaho, aniya ay mas naging makahulugan sa kanya ang linyang “Umulan man o Umaraw. Kahit ang dulo ay di matanaw." Bahagi ito ng lyrics sa opening song ng noontime show na "It's Showtime."

Read also

Miles Ocampo, pinagpawisan matapos kantiyawan ng kasamahan sa usaping pakikipagbalikan

Naging matunog din kamakailan ang hiwalayan nina Kim at Xian Lim. Halos kasabayan ito ng kontrobersyal na paghihiwalay ng Kathniel. Gayunpaman, wala paring kumpirmasyon mismo mula kina Kim at Xian tungkol dito.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel