Melai Cantiveros: “If someone questions why I have award, don’t worry I question too"

Melai Cantiveros: “If someone questions why I have award, don’t worry I question too"

- Kabilang si Melai Cantiveros sa nanalo ng award sa ginanap na 8th Asia Artist Awards

- Nakatanggap siya ng AAA Best Actor Award kabilang na sina Kim Se-jeong, Ahn Hyo-seop, Lee Dong-hwi at Lee Joon-hyuk

- Napatawa ang mga nakinig sa kanyang acceptance speech pati na rin ang ilang KPop idols

- Hirit ni Melai, kung may magkukuwestiyon daw kung bakit siya nanalo, maging siya daw ay ganun din

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Sa acceptance speech ni Melai Cantiveros matapos niyang manalo ng AAA Best Actor Award, maging ang ilang KPop idols ay napahagalpak sa tawa. Abot-abot ang pasasalamat ni Melai sa mga naging bahagi ng kanyang pelikulang Mam Chief.

Melai Cantiveros: “If someone questions why I have award, don’t worry I question too"
Melai Cantiveros: “If someone questions why I have award, don’t worry I question too"
Source: Twitter

Bukod sa kanyang pagpapakilala sa wikang Korean, nagpatawa pa ito. Aniya kung may magkukuwestiyon man kung bakit may award siya, maging siya umano ay nagtataka din.

Read also

Ogie Diaz, nabalitaang unti-unti umanong nahuhulog si Kim Chiu kay Paulo Avelino

“If someone questions why I have award, don’t worry I question too"

Bukod kay Melai, kabilang din sina Kim Se-jeong, Ahn Hyo-seop, Lee Dong-hwi at Lee Joon-hyuk sa mga nakatanggap ng Best Actor award.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Inihandog niya ang award na natanggap sa mga co-stars niya sa kanilang pelikula.

Unang nakilala sa mundo ng showbiz si Melai Cantiveros nang hirangin siyang big winner ng Pinoy Big Brother: Double Up noong 2009. Dito niya rin nakilala ang kanyang mister sa tunay na buhay na si Jayson Francisco. Sila ay nabiyayaan ng dalawang anak.

Isang mensahe ang binahagi kamakailan ni Melai kaugnay sa pagpanaw ng kanyang tiyuhin. Ang kanyang Uncle Joy umano ang pinakapaborito niyang uncle at habambuhay niyang alalahanin ang kabutihan ng kanyang tiyuhin sa kanya. Aniya, masakit para sa kanya ang pagpanaw ng tiyuhin. Alam niyang hindi magiging madali sa kanya lalo at lagi umano siyang pumupunta sa bahay ng tiyuhin niya tuwing uuwi siya sa kanilang probinsiya.

Read also

Melai Cantiveros sa pag-attend sa AAA: "It's an honor, I feel like I am the first honor"

Samantala, ang mensahe ni Melai para sa kaarawan ng mister na si Jason Francisco ay kanyang binahagi sa kanyang social media account. Marami sa mga followers ng mag-asawa ang natuwa sa mensahe niya kung saan pabiro niyang inilarawan ang mister bilang kanyang "Best Enemy." Agad naman niya itong binawi at sinabing isang mabuting ama si Jason sa kanilang mga anak. Aniya, palagi lang silang mag-iinang nasa tabi ni Jason anuman ang mangyari.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel