Tuesday Vargas: "Hindi ko masikmura na binastos ang ginagalang kong artista ng taong ito"

Tuesday Vargas: "Hindi ko masikmura na binastos ang ginagalang kong artista ng taong ito"

- Umalma si Tuesday Vargas tungkol sa aniya'y post tungkol sa usaping mainstream celebrities versus social media stars

- Inilabas ni Tuesday ang saloobin kaugnay dito at inilahad niya ang talentong mayroon ang mainstream artists na nahubog sa maraming taon sa showbiz

- Aniya, hindi niya masikmurang binabastos ang isang artistang respetado sa industriya

- Nilinaw niya rin na wala siyang inaaway ngunit aniya ay mas pipiliin niya yung talentadong tao na makakahubog ng kamalayan ng manonood kesa sa taong malaki umano ang clout pero walang respeto

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Minabuti ni Tuesday Vargas na ihayag ang kanyang saloobin hinggil sa usaping mainstream celebrities versus social media stars. Sa kanyang Facebook post ay pinagtanggol niya ang aniya'y artistang respetado sa industriya na binastos ng isang social media personality.

Read also

Gardo Versoza, aminadong nasasaktan sa kumakalat na death hoax

Tuesday Vargas: "Hindi ko masikmura na binastos ang ginagalang kong artista ng taong ito"
Tuesday Vargas: "Hindi ko masikmura na binastos ang ginagalang kong artista ng taong ito" (@tuesday_v)
Source: Instagram

Ani Tuesday, wala siyang inaaway ngunit aniya ay mas pipiliin niya yung talentadong tao na makakahubog ng kamalayan ng manonood kesa sa taong malaki umano ang clout pero walang respeto.

Again, wala akong inaaway. Masakit na ayaw pa saling at feeling high and mighty ang isang tao kasi imbes na ipag buklod mo ang viewers, nagkakaroon tuloy ng gulo sa kapwa mo celeb dahil ang kitid ng world view mo.

Aniya, hindi niya masikmurang binabastos ang isang artistang respetado sa industriya.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Director, artista, writer siya at respetado siya sa industriya. Hindi siya nakikipag kumpetensya sa iyo. Kung ako ang tatanungin, iyo na ang milyon mong taga hanga. Mas pipiliin ko yung talentadong tao na makaka hubog ng kamalayan ng manonood any day kesa sa iyong malaki umano ang clout pero walang respeto.

Read also

Cristy Fermin, wala na umanong sama ng loob kay Willie Revillame

Si Tuesday Vargas o Marizel Sarangelo-Placido ay isang Filipina singer, actress, comedian at isa sa judge ng Talentadong Pinoy sa TV5.

Matatandaang emosyonal na nagbigay ng mensahe si Tuesday sa partner niyang si Joseph Puducay na mayroong apat na rare diseases. Bago pa man ang Kapaskuhan nitong nagdaang taon, isang madamdaming mensahe ang ibinahagi ni Tuesday sa kanyang partner na '24/ 7 in pain' dahil sa kakaibang mga karamdaman. Aniya, hindi nag-iisa si Joseph sa pagsubok na ito gayung hinding-hindi raw ito susukuan at hindi siya iiwanan ni Tuesday. Sa post naman ni Joseph noong Kapaskuhan, inamin nitong hindi madali ang sakit na pinaglalabanan niya.

Matapang na ibinahagi ni Tuesday ang mga pinagdadaanan nila ng kanyang nobyo. Sa kabila kasi ng mga kakaibang mga karamdaman nito, nagagawa pa rin umano siya nitong alagaan. Mas lalong namangha si Tuesday sa nobyo nang minsang siya naman ang nagkasakit subalit naalagaan pa rin siya nito. Ipinaliwanag ni Tuesday ang tungkol sa mga karamdaman ng nobyo na maari pang malunasan sa pamamagitan ng ilang mga operasyon.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate