Miss Universe 2022, pinasalamatan ang kanyang Filipino supporters

Miss Universe 2022, pinasalamatan ang kanyang Filipino supporters

- Pinasalamatan ni Miss Universe 2022 R’Bonney Gabriel ang kanyang mga Filipino supporters

- Marami rin kasi sa ating mga kababayan ang nag-cheer at sumuporta sa kanya lalo na at isa umano siyang Filipino-American

- Ang kanyang ama ay isang Pilipino kaya at minsan na niya itong nabanggit sa isa sa mga naging interview sa kanya

- Si R’Bonney ang ika-71 na nakasungkit ng korona sa nasabing prestihiyosong pageant

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Hindi nakalimot na magpasalamat sa kanyang Filipino supporters si Miss Universe 2022 R’Bonney Gabriel.

Miss Universe 2022, pinasalamatan ang kanyang Filipino supporters
Miss Universe 2022 R'Bonney Gabriel with dad Remigio Bonzon “R’Bon” Gabriel (@rbonneynola/@shaiderdivina)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na isa paroud siya sa kanyang Filipino roots at nilarawan pa nga niya ang mga Pilipino na 'fun, hardworking and determined.

Sa press conference na ginanap matapos ang coronation night sa New Orleans, Louisiana, U.S isa ito sa mga nabanggit ni R’Bonney.

Read also

Filipino-American Miss USA R’Bonney Gabriel, hinirang bilang Miss Universe 2022

"Maraming, maraming salamat sa lahat ng tulong niyo. The support is everything. I feel it in my heart. The Filipino blood is so strong. We are hardworking, we are fun, and we are determined. I am so proud to be a half Filipina"

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si R’Bonney ang ika-71 na nagwagi at hinirang na Miss Universe.

Samantala, muntik namang masungkit nina Amanda Dudamel ng Venezuela at Andreína Martínez Founier-Rosado ng Dominican Republic ang korona nang makasama rin sila sa top 3.

Sa huli, si Amanda Dudamel ng Venezuela ang hinirang na first runner-up habang si Andreína Martínez Founier-Rosado ng Dominican Republic ang second runner-up.

Samantala, hindi naman pinalad na makapasok sa Top 16 pa lamang ng Miss Universe 2022 ang pambato mismo ng Pilipinas na si Celeste Cortesi.

Sa pre-pageant pa lamang. Ilang mga komento na ang naibato kay Celeste na hindi naiwasang maikumpara sa mga nagwaging Miss Universe na sina Pia Wurtzbach at Catriona Gray.

Read also

Ogie Diaz kay Celeste Cortesi; "Nakukulangan yung ibang netizens sa kanya"

Gayunpaman, pinasalamatan pa rin siya ng marami nating kababayan dahil sa ipinakitang determinasyon at katatagan sa naturang pageant.

Lalong-lalo na nang irampa nito ang Darna-inspired outfit bilang national costume niya. Agaw atensyon ito lalo na at suportado ito ng pamilya ng creator ng nasbing karakter na si Mars Ravelo na talagang proud kay Celeste.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica