Filipino-American Miss USA R’Bonney Gabriel, hinirang bilang Miss Universe 2022

Filipino-American Miss USA R’Bonney Gabriel, hinirang bilang Miss Universe 2022

- Hinirang na pinakabagong Miss Universe ang Filipino-American na pambato ng USA na si R’Bonney Gabriel

- Minsan na niyang nabanggit na may dugo umano siyang Pinoy dahil sa ama niyang isang Filipino

- Namataan ang ama niyang si Remigio Bonzon “R’Bon” Gabriel sa crowd na super proud ngayon sa kanyang anak

- Samantala, nakuha naman ni Amanda Dudamel ng Venezuela ang titulo bilang first runner-up habang si Andreína Martínez Founier-Rosado ng Dominican Republic ang second runner-up

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Feeling winner pa rin talaga ang mga Pilipino nang hiranging Miss Universe 2022 ang Filipino-American na si R’Bonney Gabriel.

Filipino-American Miss USA R’Bonney Gabriel, hinirang bilang Miss Universe 2022
Miss Universe 2022 R’Bonney Gabrie (@misstxusa)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na si R’Bonney ay ang pambato ng Amerika mula sa Texas na siyang napili bilang ika-71 na Miss Universe sa 80 na mga kandidata ngayong taon.

Sa edad niyang 28, siya ngayon ang tinaguriang may pinakamatandang kandidata na kinatawan ng USA s prestihiyosong pageant.

Read also

Christopher de Leon, masaya sa pag-aayos nina Matet at Nora Aunor

Subalit ang nakapukaw din ng pansin sa naturang pageant ay ang masayang ama ni R’Bonney na si Remigio Bonzon “R’Bon” Gabriel na isa umanong Pilipino.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Nabanggit niya ito sa isa sa mga naging interview sa kanya noong Hulyo 2022 ayon sa Interaksyon.

"I'm a Filipina-Texan. My dad is from the Philippines. He came him on a college scholarship with $20 in his pocket and my mom is from Belmont, they’re a match made in heaven. Growing up with 2 different cultures has made me what I made, because the family dynamic is so different, on my mom and dad’s side, and that has made me a very open-minded person,” pahayag ng bagong Miss Universe.

"It makes me extremely proud. It really hasn’t sunk in because I really think it’s so powerful to be the first person, it’s a big responsibility, too. I love that I can represent Filipinas, my culture, and pave the way. I hope other women, Asians, can be inspired to join pageantry or any other field they may not see themselves in at first. They can break that glass ceiling, absolutely,” dagdag pa niya.

Read also

Cristy Fermin, binati si Piolo Pascual ngayong birthday nito, tinalakay tungkol sa di pag-aasawa ng aktor

Samantala, halos masungkit na nina Amanda Dudamel ng Venezuela at Andreína Martínez Founier-Rosado ng Dominican Republic ang korona na nakasama ni R’Bonney sa Top 3.

Sa huli, si Amanda Dudamel ng Venezuela ang hinirang na first runner-up habang si Andreína Martínez Founier-Rosado ng Dominican Republic ang second runner-up.

Samantala, Isa sa natalakay sa pinakabagong Ogie Diaz Showbiz Update kamakailan ay ang laban ni Celeste Cortesi sa ginaganap na 71st Miss Universe sa New Orleans, Louisiana USA.

umani ng iba't ibang reaksyon ang pre-pageant performance ni Celeste.

"Kung ano-ano na naman ang komento ng mga accla! Mixed reaction sila," ani Mama Loi.

"May mga natutuwa, May nakukulangan, may nagkukumpara," dagdag pa niya.

Dahil dito, hindi rin maiwasan na maikumpara si Celeste sa mga naging pambato ng Pilipinas na sina Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach at Miss Universe 2018 Catriona Gray na naiuwi ang korona dahil sa pagpapakitang- gilas sa pretihiyosong pageant.

Read also

Cristy Fermin, sang-ayon sa mga nagsasabing naagaw na ni Nadine Lustre kay Kris Aquino ang Horror Queen title

Hindi man nakasampa sa Top 16 ng pageant, pinasalamatan pa rin ng maraming kababayan natin si Celeste na buong tapang na kinatawan ng bansa sa katatapos lamang na 71st Miss Universe.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica