Ivana Alawi, kinaaliwan sa "Ukay Shopping Challenge" kasama ang ate at mama niya

Ivana Alawi, kinaaliwan sa "Ukay Shopping Challenge" kasama ang ate at mama niya

- Binahagi ni Ivana Alawi ang panibagong vlog kasama ang kanyang ate na si Amira Alawi at ang kanilang mama

- Sinama niya sila sa pamimili ng ukay-ukay na damit at dapat ay hindi sila lumagpas sa kanilang budget na tig P1,000 kada isa

- Binigay naman ni Ivana ang pagpapasya sa mga viewers ng vlog niya para matukoy kung sino ang may pinakamagandang napamili sa kanilang tatlo

- Ani Ivana, mananalo ng P50,000 ang mananalo sa kanilang "Ukay Shopping Challenge"

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Sinama ni Ivana Alawi ang kanyang ate na si Amira Alawi at ang kanilang mama para mamili ng ukay-ukay na damit at sapatos. P50,000 ang premyo sa mananalo sa kanilang challenge.

Ivana Alawi, kinaaliwan sa "Ukay Shopping Challenge" kasama ang ate at mama niya
Ivana Alawi, kinaaliwan sa "Ukay Shopping Challenge" kasama ang ate at mama niya (@ivanaalawi)
Source: Instagram

Ang mga audience naman ng kanyang vlog ang magpapasya kung sino sa kanilang tatlo ang may pinakamagandang napamili sa ukay-ukay nang hindi lumalagpas sa budget na P1,000.

Read also

Toni Fowler, Php800,000 ang kauna-unahang kita sa YouTube

Tuwang-tuwa si Ivana sa kanyang nakitang sapatos na aniya ay kagaya sa kanyang sapatos na nagkakahalaga ng P40,000. Nabili niya lang ang sapatos sa ukay-ukay nang P105. Habang si Amira naman ay nakabili din ng branded na sapatos.

Narito ang ilan sa mga komento ng netizens:

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Bongga ni mama alawi! Super confident sa napili nya at bumagay sa kanya!
I am so proud of amira. Mas confident na syang humarap sa camera at kakaiba din ang beauty.
Galing ni Ate Amira cool and more confident laki ng improvement sa vlogging hope she will have her own youtube channel soon

Si Ivana Alawi ay naunang nakilala nang sumali siya sa "StarStruck" sa GMA-7. Dahil sa kanyang taglay na ganda, sumikat siya sa social media pati na rin sa mundo ng vlogging. Sa kasalukuyan, umabot na sa mahigit labingtatlong milyon ang kanyang YouTube subscribers.

Read also

Xian Gaza, kinaaliwan ng netizens sa biro niya kay Rosmar Tan

Kamakailan ay marami ang naantig sa vlog ni Ivana na kung saan nagpanggap siyang pulubi at nanghingi ng tulong sa mga taong kanyang nakita sa daan. Naiyak si Ivana dahil sa kabutihang pinakita sa kanya ng isang kutsinta vendor.

Dahil dito ay hinanap ni Ivana ang vendor para mas makilala pa at matulungan ito. Kamakailan nga ay nagkita silang muli. Kamakailan ay patok din ang vlog ni Ivana kung saan ay napagtripan niyang i-prank ang kanyang kapatid na si Hashim.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel