Amy Perez, nakatanggap ng sosyaling bag mula kay Dra. Vicki Belo

Amy Perez, nakatanggap ng sosyaling bag mula kay Dra. Vicki Belo

- Sa kanyang binahaging vlog, hindi maitago ni Amy Perez ang kanyang tuwa sa natanggap na regalo mula kay Dra. Vicki Belo

- Kagaya sa mga artistang nakakasama ni Dra. Belo sa kanilang vlog, nakatanggap din si Tyang Amy ng mamahaling bag

- Kilala si Dra. Belo sa kanyang napakalaking koleksiyon ng mga luxury bags na kanyang naibahagi na sa kanyang vlog

- Maging sina Vice Ganda, Kim Chiu at Andrea Brillantes ay nakatanggap din ng mga mamahaling bag mula sa celebrity doctor

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isang bongga at mamahaling bag ang natanggap ni Amy Perez mula kay Dra. Vicki Belo. Sa huling bahagi ng kanyang vlog ay inabutan siya ni Dra. Belo ng isang Neverfull Louis Vuitton na bag.

Amy Perez, nakatanggap ng sosyaling bag mula kay Dra. Vicki Belo
HOLLYWOOD, CA - MAY 09: Doctor Vicki Belo arrives at "The Road" Los Angeles Special Screening at ArcLight Hollywood on May 9, 2012 in Hollywood, California. (Photo by Paul Redmond/WireImage)
Source: Getty Images

Hindi maitago ni tyang Amy ang kanyang pagkabigla at tuwa sa kanyang natanggap na regalo. Bagong-bago pa ito at nakalagay pa sa box at paper bag at dust bag.

Read also

Amy Perez, sumabak bilang kasambahay for a day ni Dra. Vicki belo

Noong una ay nag-isipm at napatanong pa si Tyang Amy kung pina-prank daw ba siya nito. Gayunpaman, abot-abot ang kanyang tuwa nang mapagtantong totoong bigay sa kanya ni Dra. belo ang bag.

Kilala si Dra. Belo sa kanyang napakalaking koleksiyon ng mga luxury bags na kanyang naibahagi na sa kanyang vlog. Sa katunayan, maging sina Vice Ganda, Kim Chiu at Andrea Brillantes ay nakatanggap din ng mga mamahaling bag mula sa celebrity doctor.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Bilang matagal nang kakilala at kaibigan ni Dra. Vicki belo, buong pagmamalaking ibinahagi ni Amy Perez kung gaano kabait ang celebrity doctor. Sa kanyang bagong vlog, kumasa si Tyang Amy bilang kasambahay ng Pamilya Belo sa loob ng isang araw.

Panuorin ang kabuuan ng vlog ni Tyang Amy dito.

Si Victoria Gonzales Belo, o mas kilala sa ng publiko kanyang screen name na Vicki Belo, ay isa sa mga pinakatanyag na dermatologists at cosmetic surgeons sa Pilipinas maging sa ibang bansa. Bukod sa kanyang matagumpay na karera sa medikal na larangan, si doktora Belo ay isa ring aktibong lector sa iba’t ibang organisasyon sa larangan ng cosmetic surgery.

Read also

Rita Gaviola, nanalo sa beauty contest sa It's Showtime

Naging bahagi rin ang doktora ng ilang Pinoy movies gaya ng Beauty in a Bottle, Rakenrol, at Sosy Problems.

Nagdiwang siya ng kanyang ika-65 na kaarawan noong Enero. Sa kanyang pagbati sa kaarawan ng kanyang asawa, ilang throwback pictures naman ang ibinahagi ni Hayden Kho.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel