Direk Joey Reyes, nagbahagi ng open letter para kay "Poblacion girl"

Direk Joey Reyes, nagbahagi ng open letter para kay "Poblacion girl"

- Isang open letter ang ibinahagi ng batikang direktor na si Direk Joey Reyes para sa tinaguriang Poblacion girl

- Ito ang balik-bayan na tumakas sa kanyang pagkaka-quarantine upang makadalo sa isang party kasama ang iba pang mga kaibigan

- Sa kasamaang palad ay nag-positibo ito sa COVID at maging ang ilan sa mga taong kanyang nakasalamuha ay nag-positibo din

- Dahil sa nangyari, hindi lang si Poblacion girl ang pananagutin kundi pinagpaliwanag din ang hotel na nagsilbing quarantine facility ng naturang balik-bayan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa kanyang blog na Choking on my Adobo, ibinahagi ng batikang firektor na si Direk Joey Reyes ang isang open letter para sa tinaguriang Poblacion girl.

Ibinahagi niya ang kanyang saloobin sa pangyayari na maaring maging dahilan ng paglala ng sitwasyon ng Metro Manila na nakatakdang isalilalim sa Level 3.

Read also

Anak ni Claire Dela Fuente sa Dacera case, nasaktan sa komentong 'deserve' mawalan ng ina

Direk Joey Reyes, nagbahagi ng open letter para kay "Poblacion girl"
Direk Joey Reyes (@direkjoey)
Source: Instagram

Sa kanyang open letter, inamin ni Direk Joey na naawa siya kay Poblacion girl dahil ito umano ang naging "face of Omicron." Ito ay dahil lamang sa kanyang pagtakas sa kanyang pagkaka-quarantine dahil siya ay may connection.

Dagdag pa niya, naawa siya na tila kay Poblacion girl na lang sinisisii ang pagtaas ng kaso ng COVID sa bansa gayong marami din ang iba pang naging dahilan nito. Kahit paano umano ay naiintindihan ng direktor ang nararamdaman nito kung bakit umalis ito sa pagkaka quarantine.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

If you were right there in the heart of rocking Makati, it must have sheer torture to know that your squad was just a few blocks away gulping down their Jack Daniels and Absoluts singing Jingle Bells. It must have been intolerable to think that they are having fun together while you were confined in so many square meters of industrial carpeted room service operated prison.

Read also

Mag-asawang Maguad, umalma sa pagtutol ni Anne Curtis na babaan ang criminal age

Matatandaang sa unti-unting pagbubukas ng mga establisyemento sa Metro Manila, naging mas mahigpit ang iba't-ibang ahensiya sa pinatutupad na mga alituntunin lalo at nagkaroon nanaman ng bagong banta sa kalusugan sa paglabas ng variant na Omicron. Magiging mapanganib ito lalo na sa mga batang wala pang mga bakuna. May mga naitalang kaso na rin ng Omicron sa bansa.

Matatandaang naging sanhi din ng pangamba ng publiko ang Delta variant na ayon sa ulat ay mas nakakahawa at mas mabagsik.

Si Jose "Joey" Javier Reyes ay isang Filipino professor, writer at director. Ginawaran siya ng mga parangal mula sa Gawad Urian, Metro Manila Film Festival at Filipino Star Awards for Movies para sa kanyang mga pelikula kagaya nang Pahiram ng Isang Umaga, Batang PX at Kasal, Kasali, Kasalo.

Kamakailan ay nilabas din ni Direk Joey ang kanyang saloobin kaugnay sa MMFF entries ngayong taon. Nauna na rin niyang naikumpara ang Pinoy movies sa Korean movies. Marami sa mga celebrities ang nagreact dito.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Tags: